DOTr kampanteng di matutuloy ang transport strike vs jeepney phaseout
- Published on March 2, 2023
- by @peoplesbalita
NANANALIG ang Department of Transportation (DOTr) na hindi matutuloy ang pinaplanong transport strike ng mga tsuper at operator ng public utility vehicles sa susunod na linggo, ito habang naghahanda ng mga alternatibong masasakyan ng publiko kung sakaling tuloy ang welga.
Nagbabalak kasi ng tigil-pasada ang ilang operator at driver ng jeep at UV Express simula ika-6 hanggang ika-12 ng Marso upang mapigilan ang utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na ipatigil ang kanilang operasyon matapos ang ika-30 ng Hunyo.
Saklaw nito ang mga indibidwal at tradisyunal na operator na hindi pa rin makapapasok sa mga korporasyon o kooperatibang bibili ng 15 minibuses na nagkakahalaga ng hanggang P2.8 milyon kada ruta, bagay na napakamahal daw sabi ng transport group na PISTON.
“Tingin ko naman, unang-una, palagay ko kapag nagkausap kami nang maayos, hindi matutuloy ang strike na ‘yan,” sabi ni Transport Secretary Jaime Bautista, Martes, sa panayam sa media.
“Alam mo ang contingency natin dito, marami na rin dito sa Metro Manila, marami na rin namang mga modernized jeepneys, ano? Marami na ring cooperatives na nag-comply doon sa requirement natin.”
“They assured us that they will continue operations.”
Una nang sinabi ni Manibela national president Mar Valbuena na aabot sa 40,000 jeepney at UV Express units ang lalahok sa kanilang pagkilos sa Metro Manila pa lang, ito habang hinihikayat ang mga komyuter na suportahan ang kanilang laban.
Labas sa Metro Manila, sinasabing matatamaan din ng strike ang mga ruta sa Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Bacolod, Davao, Cagayan de Oro at Bicol. Suportado ng PISTON at Laban TNVS ang pagkilos ng Manibela.
Maliban sa mga jeep na nagtransisyon na sa modernong electric minibuses, sinabi rin ni Bautista na gagawan din ng paraan ng gobyerno kung paano makasasakay ang mga komyuter gamit ang mga sasakyan ng gobyerno.
“Meron din kaming arrangement with the other sectors, for example ang Coast Guard,” banggit pa ng DOTr official.
“Meron kaming mga available na mga sasakyan, other government agencies, [Metropolitan Manila Development Authority]. Marami namang magsu-support sa amin.”
Kanina lang nang sabihin ng MMDA na nakausap na nila si Interior Secretary Behur Abalos na maglalabas ang Department of the Interior Government ng memorandum para sa mga local government units kaugnay ng transport strikes.
Dagdag pa rito, “libreng sakay” din daw ang kanilang ilalang augmentation sa transportasyon sa araw na iyon.
Una nang sinabi ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III na nasa 60% pa lang ng target number ng sasakyan para sa modernisasyon ang tuluyang nakasunod sa kanilang direktiba. (Daris Jose)
-
BBM, Comelec pinasasagot ng SC sa DQ case
PINASASAGOT ng Supreme Court (SC) ang kampo ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang Commission on Elections (Comelec) ukol sa iniakyat sa kanilang disqualification case laban sa una. Bukod sa kanila, pinasasagot din ng SC ang Senado at ang House of Representatives, na isinampa sa petisyon na isinumite nina Fr. Christian […]
-
Panunutok ng laser light, itinanggi ng China
KINASTIGO ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paliwanag ng China na para sa “navigation safety” ang ginawang paggamit ng kanilang coast guard ng laser na itinutok sa barko ng PCG, na nasa resupply mission sa Ayungin Shoal nitong Pebrero 6. Sinabi ni PCG adviser for maritime security Cmdr. Jay Tarriela na hindi katanggap-tanggap […]
-
LRT 1 Cavite extension on time ang construction
NANGAKO ang Department of Transportation (DOTr) na ang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension Project ay matatapos ayon sa schedule nito kung saan ito ay magiging operasyonal sa huling quarter ng taong 2024. Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista na sinabi ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na siyang namamahala, ang […]