• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: Libreng sakay sa mga trains extended muli hangganag Sept. 15

Pinahaba muli hanggang September 15 ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa mga trains ng mga pasaherong fully vaccinated.

 

 

 

“The DOTr extended the free rides for vaccinated authorized persons outside of residence or APORs at the Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2 and the Philippine National Railways (PNR) while Metro Manila remains under modified enhanced community quarantine,” ayon sa DOTr.

 

 

 

Ang libreng sakay ay mangyayari lamang kapag peak hours o di kaya ay simula sa 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at mula naman sa 5:00 hanggang 7:00 ng gabi para sa LRT 2 at MRT 3. Habang ang PNR ay magbibigay ng libreng sakay sa mga APORs mula 4:00 hanggang 6:00 ng umaga at sa hapon naman ay mula 4:00 hanggang 7: 00 ng gabi pataas. Maaari rin na sumakay ang mga pasahero na nabigyan na ng isang shot ng vaccine.

 

 

 

Yoong mga kualipikadong sumakay ng libre ay ang mga authorized persons outside residence (APOR) o di kaya ay ang mga may edad na 18 hanggang 65 na mayron trabaho at kinakailangan lumabas ng kanilang tahanan upang bumili ng mga kailangan pagkain at serbisyo. Kailangan din na mayron na silang kahit isa man lamang na bakuna laban sa COVID-19.

 

 

 

Ang mga authorized persons outside of residence tulad ng frontliners na mayron ng isang dose ng COVID-19 vaccines ay maaaring din na sumakay ng mga rails lines ng walang bayad.

 

 

 

Kinakailangan lamang na ipakita nila ang kanilang vaccination cards upang makasakay ng libre at walang bayad.

 

 

 

Mayron mga train marshals ang nakasay sa mga trains upang mahigpit na maipatupad ang mga health requirements kasama na dito ang pagsusuot ng face mask at shield, pagsunod sa distancing rules at sumusunod sa “no talking, no eating” policy upang masiguro ang kinakailangan airflow at ventilation sa loob ng mga trains.

 

 

 

Sinigurado naman ni Tugade na ang lahat ng mga trains ay sumasailalim sa mga disinfection pagkatapos ng isang biyahe nito.

 

 

 

Ang LRT 2 ay mayron 13 na estasyon simula sa Recto hanggang Antipolo. Samantala, ang MRT 3 naman ay may 13 na estasyon na nagsisimula sa Pasay hanggang North Avenue. Ang PNR naman ay 20 na estasyon.  LASACMAR

Other News
  • 4 tulak ng marijuana, tiklo sa Malabon, Navotas drug bust

    TIMBOG ang apat na hinihinalang tulak ng marijuana matapos umanong kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Malabon at Navotas Cities.     Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina […]

  • Tab Baldwin humanga sa galing ni Kai Sotto

    Hindi maitago ni Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin ang paghanga nito sa galing ni Kai Sotto.     Kahit na naging maiksi ang pagsali nito sa ensayo ng national team noong nakaraang mga linggo ay ipinakita ng bagitong player na kaya nitong makipagsabayan.     Dagdag pa ni Baldwin na habang tumatagal ay nagkakaroon […]

  • Preso paghihiwalayin ng kulungan, depende sa krimen

    KASUNOD ng naging kontrobersiya sa New Bilibid Prison (NBP), planong paghiwa-hiwalayin ng piitan ang mga bilanggo o persons deprived of liberty (PDLs), depende sa nagawang krimen.     Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Gregorio Catapang, Jr. na mayroon nang regionalization plan para mapaluwag ang NBP kung saan nagsisiksikan ang nasa 30,000 na kaya […]