• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: Mamadaliin ang pamimigay ng P2.5 B fuel subsidy sa mga tricycle drivers

NANGAKO  ang Department of Transportation (DOTr) sa pamumuno ni Secretary Jaime Bautista na sa lalong panahon ay maibigay ang P2.5 billion na fuel subsidy sa mga libo-libong tricycle drivers sa buong bansa.

 

 

Naganap ang pangako matapos ang matinding pagpapalitan ng debate sa nakaraang confirmation ni DOTr Secretary Bautista sa Commission on Appointments (CA).

 

 

Hinihingi ni Senator Alan Peter Cayateno kay Bautista na madaliin ang pagbibigay ng subsidies sa mga tricycle drivers kung saan napagkasunduan na tutulong ang una sa pamimigay ng nasabing fuel subsidies.

 

 

“Tricycle drivers are among the hardest hit by the economic downturn. Most of them are the sole breadwinners of their families, and yet they are the ones neglected. I have discussed it with Secretary Bautista on how the subsidies could be implemented more quickly in order to benefit the tricycle driver sector which is still reeling from high fuel prices, inflation, and the still ongoing pandemic,” wika ni Cayetano.

 

 

Ayon naman kay Bautista na pumapayag siya na ang pamimigay ng fuel subsidies ay padaanin sa mga local government units (LGUs) sapagkat sila ang may kapasidad na mamigay ng mga assistance. Ang mga LGUs rin ang may hawak ng mga listahan ng qualified na mga tricycle drivers sa kanilanglugar.

 

 

Sinabi naman ni Cayetano na may 6,000  na mga tricycle drivers ang nakatanggap lamang ng fuel subsidies samantalang may humigit kumulang na 600,000 ang bilang ng mga ito sa buong bansa. Masyadong maliit lamang ang bilang ng nakatanggap na kumpara sa mga qualified na tricycle drivers na nakatala sa listahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

 

“The delays were due to the unavailability of master lists of registered tricycle drivers in some LGUs,” saad ni Bautista.

 

 

Wika naman ni Cayetano na ang mga samahan ng mga iba’t ibang tricycle operators at drivers o mga TODA sa bansa ay maaaring makatulong upang maibigay ang subsidy sa kanilang mga miyembro.

 

 

Dagdag pa ni Cayetano na ang mga samahan ng mga transport groups ay siyang pinaka-organized sa bansa at may kumpletong listahan ng kanilang mga hanay. LASACMAR

Other News
  • NAVOTAS PINURI NI CONG. TIANGCO

    PINURI ni Congressman John Rey Tiangco ang Pamahalaang Lokal ng Navotas makaraang muling makamit nito ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) sa loob ng magkakasunod na anim na taon.     “Binabati ko po ang lahat ng kawani ng Pamahalaang Lokal ng Navotas, lalo na po ang ating butihing Ama […]

  • PDu30, binalaan ang mga magbebenta ng pekeng Covid-19 vaccines

    BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga magbebenta ng mga pekeng Covid-19 vaccines sa bansa.   Ayon sa Pangulo, titiyakin niya na pagbabayaran ng mga ito ang kanilang gagawin o kaya naman ay pupulutin ang mga ito sa kung saan sila dapat pulutin.   “Itong nagi-import ng walang ano, walang source tapos peke tapos ang mga tao […]

  • PINAKAMABABANG ACTIVE CASES NAITALA NG NAVOTAS

    NAITALA ng Navotas City ang bagong record na pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 ngayong taon.     Ayon sa ulat ng sa City Health Office, ang Navotas ay mayroon lamang 31 aktibong kaso nitong Nobyembre 2 na mas mababang record noong Pebrero 6 na may 33 kaso.     “Just this Saturday, during our situationer, […]