MAY naitalang malaking progreso sa konstruksyon ang ginagawang kauna-unahang underground railway na Metro Manila Subway Project (MMSP) mula Bulacan hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Paranaque.
“The Metro Manila Manila Subway, touted as the country’s most ambitious infrastructure project to date, has already attained significant progress in its construction,” wika ni Department of Transportation (DOTr) undersecretary Timothy Batan sa ginawang forum ng Presidential Communications Office.
Noong May 31, 2024, may naitalang 14.48 porsiento sa kanyang target completion ang nasabing proyekto.
Ang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension ay may naitalang 73.50 porsiento ng kumpleto sa konstruksyon noong May 31, 2024. Ito ay ang extension ng LRT Line 1 kung saan daragradan ng 11.7 kilometro ang existing na LRT 1 at daragdagan na walong (8) estasyon na siyang magdudugtong sa Pasay papuntang Bacoor sa Cavite.
Inaasahan na mababawasan ang travel time at magiging 25 na minuto na lamang mula sa dating 1 oras at 10 minuto sakay ng dyip o bus. Makapagsasakay naman ito ng karagdagang 300,000 na pasahero sa LRT 1 na may 500,000 ngayon na pasahero kada araw sa unang taon ng full operation nito.
Sa MRT Line 7 naman noong May 31, 2024, ito ay may naitalang 70.98 porsiento sa konstruksyo. Ito ay ang 22 kilometrong long rail transit system na magdudugtong sa mataong lugar sa northeast ng Metro Manila. Magkakaron ito ng 14 na estasyon mula North Avenue sa lungsod ng Quezon hanggang papuntang San Jose Del Monte, Bulacan. Inaasahan na mababawasan rin ang travel time mula 2 hanggang 3 oras sakay ng dyip o bus kung saan magiging 35 minuto na lamang ito. Makapagsasakay ito ng 300 hanggang 800,000 na pasahero kada araw.
Habang ang North-South Commuter Railway Project naman ay may naitalang 42.10 porsiento noong May 31, 2024 sa Tutuban-Malolos na bahagi. Ang Malolos-Clark naman ay 31.25 porsiento at ang Manila-Calamba ay may 5.87 na porsiento ng kumpleto.
Samantalang ang MRT Line 4 at PNR South-Long Haul Project ay nasa pre-construction na bahagi pa lamang sa ngayon habang ang Mindanao Railway Project Phase 1 ay nasa development na bahagi pa lang.
Ang MRT 3 Rehabilitation Project naman ay may naitalang 83.11 porsiento ng kumpleto noong May 31, 2024. Kasama sa proyekto ang restorasyon ng MRT Line 3 sa dati nitong kondisyon. Ang nasabing rehabiltasyon ay inaasahang mababawasan rin ang travel time mula end-to-end kung saan ito ay magiging 45 na minuto lamang mula sa dating 1 oras at 15 minuto na pagsasakay.
Sa ginagawang Unified Central Station, ito ay may naitalang 81.42 porsiento ng kumpleto noong May 31, 2024. Ang estasyon na ito ay magdudugtong sa 4 na railway lines sa Metro Manila tulad ng LRT 1 sa bahaging west, MRT 3 sa bahaging gitna at ang MRT 7 sa bahanging north naman.
Ang nasabing tatlong araw na forum ay isang comprehensive platform upang itaguyod ang “Build Better More” na programa sa infrastructure ng pamahalaan upang mas palawakin pa ang pagkakaintindihan ng pamahalaan at media practitioners tungkol sa mga strategic framework at status kasama ang timeline ng mga proyekto. Kasama rin ang infrastructure development policies at programs ng sa ngayon na pamahalaan sa pamumuno ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. LACSAMAR