• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: Mga sirang elevators at escalators sa LRT 2, Ok na

INULAT ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na umaandar na ang mga sirang elevators at escalators sa Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) matapos na makita na isang disabled na pasahero ang umaakyat sa hagdanan habang dala-dala ng dalawang (2) security personnel ang wheelchair nito.

 

 

 

Agad umaksyon si Tugade at inutusan ang Light Rail Transit Authority (LRTA) na ayusin ang mga nasabing sirang elevators at escalators.

 

 

 

Sa kasalukuyan, mayron 34 na elevators at 26 na escalators sa mga estasyon ng LRT 2 ang tumatkbo at umaandar na.

 

 

 

“Last November, I ordered the LRTA, operator of LRT 2 to prioritize the repairs of the defective elevators and escalators to help commuters, especially the elderly, pregnant women, and persons with disabilities. The LRTA commits to work around the clock to repair the remaining non-operational escalators and elevators,” wika ni Tugade.

 

 

 

Ang bagong lagay na LRTA administrator Jeremy Regino ay nagpatawag naman ng isang pagpupulong upang ang mga natitirang sirang elevators at escalators ay maging operational sa lalong madaling panahon.

 

 

 

Isa sa mga options na puwedeng gawin ay ang magkaron ng emergency procurement para sa mga kailangan bahagi at ilagay ang existing na maintenance provider ng LRT 2 upang sila ang gumawa ng pagaayos.

 

 

 

Noong nakaraang December, ang LRTA ay naghain ng complaints sa Office of the Ombudsman laban sa mga opisyales at mga private contractors na sinasabing sangkot sa isang maanomalyang pagbili ng mga equipment para sa nasabing rail line na nagkakahalaga ng P170.3 million

 

 

 

Kasama sa complaint ang P138 million na kontrata na ibinigay sa Ma-An Construction Inc. at IFE Elevators Inc. para sa supply, delivery, installation at commissioning ng conveyance system ng LRT 2. Pinagutos na ni Tugade na ilagay sa mga listahan ng mga blacklisted na suppliers ang nasabing kumpanya.

 

 

 

Ang LRT 2 ay may 13 estasyon simula Recto sa Manila hanggang Masinag, Antipolo na may habang 17.69 na kilometro.

 

 

 

Samantala, nawalan ng operasyon ang LRT line 1 noong nakaraang Linggo dahil sa ginawang testing para sa bagong signaling system. Ayon sa Light Rail Manila Corp (LRMC) na siyang operator ng LRT line1, na kanilang ina-upgrade ang LRT-1’ signaling system upang magtugma sa bagong train sets na tinatawag na fourth generation train sets.

 

 

 

Magkakaron ulit ng suspension ng operasyon sa Jan. 30 upang gawing muli ang testing at nang making kumpleto na ang testing sa bagong signaling system na siyang gagamitin upang mag direct ng traffic sa railway.

 

 

 

Ang LRMC consortium na binubuo ng Metro Pacific Investments Corp.’s Metro Pacific Light Rail Corp., Ayala Corp.’s AC Infrastructure Holdings Corp., at Macquarie Infrastructure Holdings (Philippines) PTE Ltd. ang siyang nanalo ng kontrata para sa pagtatayo ng LRT-Cavite extension project.  LASACMAR

Other News
  • SHARON, naliligo at nagsu-swim kasama ang luxury watches

    PINAKITA na ni Megastar Sharon Cuneta ang part 2 ng kanyang pinag-uusapang mega watch collection sa kanyang vlog na ‘The Sharon Cuneta Show’ sa YouTube.   In-upload nga ni Mega ang part 1 ng collection noong Sep- tember 16 na meron ng 379,590 views na kung saan ilan sa pinili niya ay yun may meaning […]

  • Hidilyn Diaz ginulat ang mundo

    Tinapos na rin ni Hidilyn Diaz ang pagkauhaw ng Pilipinas sa gold medal sa Olympics na inabot din ng 97 taon.     Ang award winning performance ni Diaz ay nang talunin niya ang world champion ng China at record holder na si Liao Qiuyun sa makapigil hininga na face-off sa Tokyo International Forum nitong […]

  • 2 illegal na nagbebenta ng wildlife, timbog sa Maritime police

    DALAWANG katao na illegal umanong nagbebenta ng wildlife ang nalambat ng mga tauhan ng Northern NCR MARPSTA sa magkahiwalay na entrapment operation sa Tondo Manila at Quezon City.         Ayon kay Northern NCR MARPSTA Chief P/Major Randy Veran, ikinasa ng kanyang mga tauhan ang entrapment operasyon, kaugnay sa All Hands Full Ahead […]