• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: Mga tollways hindi tataas ang fees

Binalita ng Department of Transportation (DOTr) na wala munang mangyayaring pagtaas ng toll fees sa mga expressways dahil sa nararanasang pandemya sa ating bansa.

 

 

Binigyan ng kariguraduhan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang mga motorista at mamayan na walang mangyayari pagtaas ng toll fees habang may pandemya.

 

 

“I am giving my assurance to the motorists and users of the country’s expressway that they need not to worry about paying increased toll fees amid the COVID-19 pandemic,” wika ni Tugade.

 

 

Ayon pa rin kay Tugade na nakikita din niya na kailangan ng mga operators ng mga expressways na magtaas ng kanilang toll fees upang magkaron ng revenues na kanilang gagamitin sa operasyon ng mga expressways, subalit mas kailangan bigyan ng proteksyon ang mga kapakanan ng mga mamamayan sa gitna ng hindi magandang epekto sa ating ekonomiya na dala ng pandemya.

 

 

“We need to strike a good balance – between the needs of our investors and the public. Considering the conditions imposed by the pandemic, the DOTr may approve toll rate hikes but such will definitely be implemented at a later date,” dagdag ni Tugade.

 

 

Samantala, sinimulan na ng San Miguel Corp. (SMC) ang pangongolekta ng toll fee sa Skyway Stage 3 noong nakaraang July 12 kung saan tumagal din ng pitong (7) buwan ang libreng paggamit ng 18-kilometer na Skyway 3.

 

 

Gamit ang bagong toll fee matrix na mas mababa kaysa sa dating inihain na toll fees, nangongolekta na sila ngayon sa mga motoristang gamit ang mas maikling distansya.

 

 

Binigyan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang SMC ng toll operating permit at notice na maaari na silang mangolekta ng toll fee para sa Skyway 3 simula noong July.

 

 

“We started collecting toll on the new elevated expressway last July 12 using a revised toll fee matrix that is lower than the original proposed toll fees, particularly for motorists traveling shorter-distances. We were given a toll operating permit and a notice to start collecting toll by the TRB on Skyway Stage 3,” wika ng SMC.

 

 

Ang Skyway on-and off-ramps na bukas na ngayon ay ang mga sumusunod: Buendia SB Exit at NB Entry; Quirino NB at SB Exit; Plaza Dilao SB Entry; Nagtahan SB at NB Exit; E. Rodriguez SB Exit; Quezon Ave. SB Exit at Entry; Quezon Ave. NB Exit at Entry; A. Bonifacio NB Exit; NLEZ NB Exit at NLEX SB Entry. LASACMAR

Other News
  • Pinagdiinan na, “I don’t need anyone to survive”… HEART, ‘di napigilang patulan ang basher na tinawag siyang ‘gold digger’

    HINDI na naman nakapagpigil ang Kapuso actress -vlogger na si Heart Evangelista na patulan ang isang basher na kung saan tinawag siyang ‘gold digger’.     Wala ngang takot ang Twitter user na si @BasherNgBayan sa panglalait sa asawa ni Sen. Chiz Escudero at sinabi nitong, “Si @heart021485 is a gold digger is a fact.” […]

  • 470K sasakyan bumibiyahe sa EDSA kada araw – MMDA

    MAY average na 470,000 sasakyan na ang bumibiyahe ngayon sa EDSA kada araw at inaasahan pang tataas habang papalapit ang Pasko at Bagong Taon, ayon sa Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA).     Sa kabila nito, sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na maayos pa rin umano ang trapiko sa EDSA na siyang pinakaabalang kalsada […]

  • Andrew Garfield, Done Addressing Rumors About His Role In ‘Spider-Man: No Way Home’

    ANDREW Garfield is done addressing rumors about his potential role in Spider-Man: No Way Home and that fans will find out the truth for themselves next month.     Jon Watts‘ Spider-Man: No Way Home is perhaps the buzziest and most anticipated MCU project to arrive since 2019’s Avengers: Endgame. Its multiversal adventure, which brings back several actors from previous […]