• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr naghahanap ng karagdagan pondo upang ipagpatuloy ang libreng sakay sa EDSA Carousel

NAGHAHANAP ng karagdagan pondo ang Department of Transportation (DOTr) na nagkakahalaga ng P1.4 billion upang maipagpatuloy ang programang libreng sakay sa EDSA Carousel.

 

 

 

“The libreng sakay program demands a certain funding If we want to implement the free bus rides until December, we will need additional funding of around P1.4 billion, which is not available in our existing budget,” wika ng bagong talagang DOTr Secretary Jaime Bautista.

 

 

 

Inilungsad ang libreng sakay bilang isa sa mga solusyon ng pamahalaan upang mabawasan ang epekto ng tumataas na presyo ng produktong gasolina at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga tao.

 

 

 

Mismong si President Marcos ang nagbigay ng kautusan upang palawigin ang programa sa libreng sakay hanggang katapusan ng taon kasalukuyan. Kung kaya’t isang memorandum ang ginawa at inaprobahan naman ng ating pangulo.

 

 

 

Samantala, kasama rin sa memorandum ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga rail lines para sa mga estudyante na sasakay sa Metro Rail Transit (MRT 3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2) at Philippine National Railways simula sa pagbubukas ng klase sa August 22 hanggang November 4,

 

 

 

Tinapos naman ng pamahalaan ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng MRT 3 kung saan ay nabigyan ng benipesyo ang mahigit sa 29,000 na sumakay dito simula noong March 28 at natapos ng June 30.

 

 

 

Nagkaron ng P515.91 million revenues losses ang MRT 3 dahil sa programang libreng sakay dito.

 

 

 

Sa kabilang dako, pinagutos ni Bautista ang pagbibigay ng P1,000 fuel subsidies sa mga qualified na tricycle drivers na may bilang na 617,806.

 

 

 

Inutusan rin niya ang mga transport officials na madaliin ang deployment ng karagdagan 550 buses para sa EDSA Carousel lalo na kung rush hours. Magkakaron ng pagpupulong ang mga consortium na pumapasada sa EDSA kasama si Bautista at mga bus operators.

 

 

 

Sinabi rin ni Bautista na upang mabigyan ng solusyon ang problema sa kakulangan ng mga buses kapag nagsimula na ang klase, ang LTFRB ay dapat maging mabilis sa pagbibigay ng mga franchises sa mga buses na dumadaan sa mga paaralan.

 

 

 

“We are looking at accelerating the grant of franchises for buses on routes used by students such as the Katipunan Avenue, Commonwealth and Recto,” saad ni Bautista. LASACMAR

Other News
  • Civil konstruksyon ng Bulacan airport malapit nang simulan

    MINAMADALI na ang land development ng Bulacan Airport upang masimulan na ang civil works sa susunod na taon habang ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay sasailalim sa privatization.     Samantala, ang San Miguel Aerocity Inc. (SMAI) ay 70 porsiento ng kumpleto ang land development na siyang magiging daan para sa pisikal na konstruksyon […]

  • Total ban sa mapanganib na paputok ipatupad – DILG

    UPANG maiwasan ang disgrasya lalo na sa mga kabataan, nanawagan si Interior and Local Government Units (LGUs) na ipatupad ang ‘total ban’ sa lahat ng uri ng mga mapanganib na paputok kaugnay ng pagsalubong sa Kapaskuhan at Bagong Taon sa bansa.     Ayon kay Abalos, ang mga LGU ay maaaring magtalaga ng mga pampublikong […]

  • PBBM sinabing tuluyan ng nakabangon ang Pilipinas mula sa pandemic

    IPINAGMALAKI na inulat ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na tuluyan ng nakabangon ang Pilipinas mula sa epekto ng Covid 19 pandemic at maging sa epekto ng Russia-Ukraine war at tensiyon sa Middle East.     Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pagharap nito sa mga miyembro ng diplomatic corps sa isinagawang taunang “Vin D Honneur” […]