DOTr naglaan ng P40 billion kontrata sa NSCR line
- Published on March 24, 2023
- by @peoplesbalita
KINUHA ng Department of Transportation (DOTr) ang Filipino, Indonesian at Spanish builders upang magplano at magtayo ng P40 billion na Manila section ng North-South Commuter Railway (NSCR).
Sa isang notice of award, ang DOTr ay naglaan ng Contract Package (CP) S-01 sa isang joint venture ng kumpanyang Indonesia PT Adhi Karya (Persero) Tbk, at PT PP (Persero) Tbk.
Ang nasabing kontrata ay nagkakahalaga ng P11.29 billion at $6.88 million o halos P382 million na siyang gagastusin sa civil works ng Blumentritt Extension ng Malolos-Clark Railway ng northern line ng NSCR.
Ang kumpanyang Indonesian ay naatasang magtayo ng railway viaduct structure at ang elevated na istasyon ng Blumentritt. Ayon sa pag-aaral, ang Blumentritt extension ay may kahabaang 1.2 kilometro at dapat ay matapos sa loob ng 1,460 calendar days.
Sa hiwalay na kontrata, ang DOTr ay binigay ang CP S-02 sa joint venture ng Acciona Construction Philippines Inc., ang lokal na unit ng Spanish multinational at D.M. Consunji Inc. (DMCI). Nagkakahalaga ang kontrata ng halos P29 billion kasama na ang $72.31 million at 5.07 million euros.
Ayon sa kontrata, ang Acciona at DMCI ay naatasan na gumawa ng railway viaduct structure, kasama ang elevated na estasyon ng Espana, Sta. Mesa at Paco. Ang nasabing bahagi ay may 7.9 kilometro at dapat ay matapos ng 1,612 calendar days.
Susunod naman ay ang awarding ng CP S-03A na magsisimula sa Manila hanggang Taguig line; S-03B, ang Taguig-Paranaque stretch; at S-03C, simula sa Paranaque hanggang Muntilupa segment, ngayon March.
Upang mapadali at maging mabilis ang pagtatayo ng NSCR, ang DOTr ay nagdesisyon na ihinto mun ang train services ng Philippine National Railways (PNR) sa loob ng limang taon. Ayon sa DOTr, ang suspension ay makakatulong upang maging mabilis ng walong buwan at makakatulong sa pamahalaan na magkaron ng savings na nagkakahalaga ng P15.18 billion dahil ang land acquisition at relocation ng utilities ay mapapadali.
Ihihinto ng PNR ang araw-araw na operasyon mula Governor Pascual, Malabon City hanggang Calamba sa Laguna ganon din ang mula Alabang, Muntinlupa City papuntang Calamba sa darating na May. Susunod naman ay ang suspension ng rail services sa pagitan ng Alabang at Tutuban sa Manila sa darating na October.
Dahil sa ganitong kalagayan, ang DOTr ay may planong magbigay ng special franchises sa mga selected buses upang mag service sa may 30,000 na pasahero na maaapektuhan ng pansamantalang pagsasara ng PNR routes.
Inaasahang matatapos sa taong 2028, ang P873.62 billion na NSCR na isang railway na magdudugtong sa Malolos, Bulacan at Clark International Airport at Tutuban sa Calamba. LASACMAR
-
Master list ng A4 group sa bakuna pinasusumite
Dahil inaasahang darating na sa mga susunod na buwan ang mga bakuna kontra Covid-19 kaya pinagsusumite na ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa Local Go-vernment units (LGUs) ang master list para sa Priority Group A4. Kabilang sa A4 group ang mga sektor sa industriya ng transportasyon, market, manufacturing, government services, hotels, education, media at […]
-
P4.5 bilyong confidential, intel funds ng Office of the President mananatili
MAAARING manatili na lamang ang P4.5 bilyon na panukalang confidential at intelligence funds (CIFs) ng Office of the President (OP). Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, ito ay sa sandaling amyendahan ng Senado ang panukalang P5.268 trilyong 2023 General Appropriations Bill (GAB). Idinagdag pa ni Angara […]
-
Mas maraming pondo mula ‘22 budget ang magamit para sa ‘Odette’ rehab, utos ng pamahalaan
NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mas maraming pondo mula sa panukalang national budget para sa 2022 ang magamit para sa “response and recovery efforts” sa mga lugar na hinagupit ni bagyong Odette. Binanggit ng Pangulo ang hangarin niyang ito nang personal niyang bisitahin ang mga typhoon-affected areas sa Cebu at Bohol, araw […]