• April 11, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr, nagpaliwanag sa pagsasapribado ng NAIA

NAGPALIWANAG si  Department of Transportation Secretary Jaime Bautista hinggil sa ulat na pagsasapribado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

 

Sa idinaos na press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Bautista na walang mangyayaring pagbibigay sa pribadong sektor sa asset ng NAIA dahil  ipapaubaya lamang ang management sa operasyon sa pamamagitan ng concession agreement.

 

 

Sa katunayan aniya ay ginagawa ito sa dalawang paliparan sa bansa katulad ng Cebu na kung saan ay pinapatakbo nito ang operasyon ng GMR Megawide at sa Clark international airport sa lalawigan ng Pampanga.

 

 

Sa kabilang dako,  inalis naman ng Kalihim ang pangamba ng publiko  na baka magkaroon ng pagtaas sa singil sa airfare at iba pang services kung matuloy ang pangangasiwa sa operasyon ng NAIA ng isang private firm.

 

 

Samantala,  nabanggit naman kahapon ni  Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na isang isang management contract sa pagitan ng gobyerno at isang  private firm na nagpapatakbo ng London airport ang inihahanda para sa pagpapatakbo ng operasyon sa NAIA. (Daris Jose)

Other News
  • Ads August 13, 2024

  • Pagdanganan tabla sa ika-68, nakapagsubi pa rin ng P249K

    HULI na ang pag-init ni Bianca Pagdanganan sa binirang two-under 69 para sa nine-over 297 na naglagak lang sa kanya kabuhol si American Angela Stanford sa 68th place na may tig-$5,189 (₱249K) prize sa pagtiklop ng 10th CME Group Tour Championship 2020 sa Tiburon Golf Club Gold course sa Naples, Florida na pinangunahan ni Ko […]

  • Sagip Pelikula Brings the Restored Version of “Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin” at the MET

    IN celebration of National Women’s Month, ‘Sagip Pelikula’ brought one of its restored titles featuring two of the premier actresses today, Maricel Soriano and Snooky Serna, with their 1995 family-drama classic “Inagaw Mo ang Lahat sa Akin” in the latest installment of Mga Hiyas ng Sineng Filipino, co-organized by the Film Development Council of the […]