• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdanganan tabla sa ika-68, nakapagsubi pa rin ng P249K

HULI na ang pag-init ni Bianca Pagdanganan sa binirang two-under 69 para sa nine-over 297 na naglagak lang sa kanya kabuhol si American Angela Stanford sa 68th place na may tig-$5,189 (₱249K) prize sa pagtiklop ng 10th CME Group Tour Championship 2020 sa Tiburon Golf Club Gold course sa Naples, Florida na pinangunahan ni Ko Jin-young ang 1-2 finish ng South Korea nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas).

 

Iyon ang pinakamagarang nilaro ng 23-anyos na bagitong professional golfer ng Pilipinas sa 72-player field, four-day event makaraan ang 73-79-76 dito, na nagtampok sa 66-270 ni Jin-young para sa five-stroke win sa kalahing si Kim Sei-young  (72) at kay Hannah Green ng Australia (67) na nagsosyo sa 275s.

 

Iniuwi ng 25-anyos, 5-6 ang taas at buhat sa Seoul na si Jin-young ang $1.1M (₱52.8M) champion purse habang may grasya naman sina Sei-young at Green na $209,555 (₱10M) bawat isa.

 

Ang torneo ang ika-18 yugto at nababa na rin sa telon ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020 ng Estados Unidos. (REC)

 

Other News
  • Disyembre 26 idineklarang special non-working day

    IDINEKLARA  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Disyembre 26, 2022, bilang karagdagang special non-working day sa buong bansa.     Ang deklarasyon ay nakapaloob sa Proclamation No. 115 na inilabas upang “bigyan ang mga tao ng buong pagkakataon na ipagdiwang ang holiday kasama ang kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay.”     Nakasaad […]

  • DERRICK, ang tapang na sabihin na mahal na mahal niya si ALDEN at never nainggit

    SA isang IG live interview ni G3 San Diego ay tinanong si Derrick Monasterio about kung hindi ba ito naiinggit sa kasikatang tinatamasa ni Alden Richards.     Sagot ni Derrick kahit daw katiting ay hindi siya kakikitaan ng pagka-inggit kay Alden na kasabay niyang nag-start sa showbiz.      “I love Alden. Brother ko ‘yun ever since The […]

  • Pagsasara sa lahat ng mga negosyo sa bansa, “disaster” sa Phil. economy- PDu30

    ISANG malaking “disaster” o sakuna sa ekonomiya ng Pilipinas kung isasara ang lahat ng mga negosyo sa gitna ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa.   Ang pahayag na ito ng Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi ay matapos niyang aprubahan ang rekumendasyon ng Inter-agency Task Force (IATF) na ilagay ang Metro […]