DOTr: National standards sa paggamit ng iisang payment systems sa lahat ng transport modes inaayos
- Published on January 11, 2021
- by @peoplesbalita
Maglalabas ang Department of Transportation (DOTr) ng nationwide standards specifications para sa fare media at transit readers para sa planong “nationwide interoperable automated fare collections systems (AFCS)” sa lahat ng transport modes.
“We are formulating and finalizing the release of the AFCS National Standards to ensure interoperability and mutual trust among multiple automatic fare collection players and systems,” ayon sa DOTr.
Ayon sa DOTr, isa sa mga plano sa AFCS National Standards ay ang paggmit ng EMVCo contactless specifications.
Sa ngayon, halos lahat ng mga Filipinos ay may bank accounts na may EMVCo cards tulad ng debit o credit cards na kanilang ginagamit sa pagbili ng mga goods na maaari din nilang gamitin sa pagbabayad kung sila ay sasakay sa mga iba’t ibang klase ng transportation modes. Ginagamit na ang ganitong paraan sa ibang bansa tulad ng Bangkok at Singapore.
Noong nakaraang October 2020, ang DOTr at Land Bank of the Philippines (LBP) ay lumagda sa isang kasunduan upang gumawa ng isang pilot production test para sa EMVCo contactless payment media.
“In an initial activity of the pilot production test is the conduct of a demonstration last Dec. 18, wherein the functions of the validator/transit readers accepting and processing fare media in three public utility vehicle routes were showcased. The use of this technology in the transit system expands the fare media the public can use,” dagdag ng DOTr.
Sinabi rin ng DOTr na ang sistemang ito ay makakasiguro na magbibigay ng isang matiwasay na option sa pagbabayad ng mga pasahero, mas maganda at komportableng sistema at upang mabawasan rin ang card-issue at management costs para sa mga transit operators.
Dagdag pa ng DOTr na ang kanilang ahensiya ay may mithiin na ipatupad talaga ang nationwide interoperable AFCS sa lahat ng transport modes.
Dahil na rin sa pandemic, ang mga ahensiya sa ilalim ng DOTr ay nagsimula na rin na magpatupad ng technology-based at data-driven innovations sa mga pag proseso ng mga dokumento upang mabawasan ang face-to-face transactions at upang makapagbigay din ng isang epektibo at magandang serbisyo sa publiko.
“These include the shift to electronic and contactless payment systems such as AFCS and RFID tags in tollways, online processing of transactions, and electronic booking and ticketing, among others,” saas ng DOTr. (LASACMAR)
-
2 patay sa engkwentro sa SLEX Calamba, Laguna
Dalawa ang patay sa nangyaring engkwentro bandang alas-4:17 ng hapon, Hunyo 3 sa pagitan ng mga otoridad at dalawang umano’y notorious robbery/kidnapping personalities sa may bahagi ng Silangan Exit, SLEX, Calamba, Laguna. Nakatanggap kasi ng report ang Regional Intelligence Division- Anti-Carnapping Unit (RID-ANCAR) ng PNP Calabarzon na isang Chinese ang dinukot ng grupo […]
-
Number coding pinag-aaralang palawakin sa Alert Level 1
PINAG-AARALAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapalawak sa number coding scheme sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa oras na ipatupad na ang Alert Level 1 sa National Capital Region (NCR). Ito ang inihayag ni MMDA Officer-in-Charge at General Manager Atty. Romando Artes matapos nga ang ginawang rekomendasyon ng […]
-
Australia binawi ang visa ni Djokovic
Pinawalang bisa ng gobyerno ng Australia ang visa ni Serbian tennis star Novak Djokovic. Dahil sa pangyayari ay magiging malabo na maidepensa ng world’s number 1 tennis player ang kaniyang titulo sa Australian Open na magsisimula sa Jan. 17 hanggang Jan. 30. Pagdating nito sa Melbourne ay ilang araw siyang inilagay […]