DOTr, nilinaw na hindi privatization kundi concession agreement ang gagawin ng pamahalaan sa NAIA
- Published on January 28, 2023
- by @peoplesbalita
CONCESSION agreement at hindi privatization ang planong gawin ng gobyerno sa bagong management contract ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ang nilinaw ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang plano ang pamahalaan na isapribado ang nasabing paliparan.
Pagbibigay diin ng kalihim, ang ibig sabihin ng concession agreement ay hindi nangangahulugang ibibigay sa private sector ang asset ng NAIA.
Paliwanag niya, mananatiling pag-aari ng gobyerno ang assets nito ngunit mga pribadong kumpanya raw ang mamamahala sa operasyon sa paliparan na kasalukuyan din aniyang ipinapatupad sa Macta-Cebu International Airport, at Clark International Airport.
“Ang ibig sabihin ng Presidente, hindi naman natin ibibigay sa private sector ‘yung assets ng NAIA. Ang ibig niyang sabihin, it’s the private sector who will manage the operations through a concession agreement, which is what we have been doing in two airports now —sa Cebu at saka sa Clark,” ani Bautista.
Samantala, sa kabila nito ay iginiit naman ng kalihim na ang naturang hakbang na gagawin ng administrasyon ay hindi magbubunsod sa pagtaas ng pamasahe sa nasabing paliparan.
Kung maaalala, una nang ipinaliwanag ng mga kinauukulan na ang mga paraaan na ito ay layong tugunan ang mga aberyang naranasan sa NAIA noong gabi ng Bagong Taon upang ito ay hindi na muling maulit pa.
-
Project 8 and Mentorque Come Together for Cinemalaya movie about grief and family, ‘Kono Basho’
PROJECT 8 Projects and Mentorque Productions join forces to create ‘Kono Basho’ for this year’s Cinemalaya Independent Film Festival! Project 8 Projects graced last year’s fest with Cinemalaya Audience Choice Award Rookie (2023) and Gawad Urian Best Film winner, Iti Mapukpukaw (2023). Beyond the film fest, they also produced well-awarded movies […]
-
Pagbabalik ng limited face-to-face, hindi sapilitan- CHeD
HINDI magiging sapilitan at magiging boluntaryo lamang ang mga gustong pumasok na mga mag-aaral sa pagbabalik ng limited face-to-face classes para sa medical and allied courses. Nilinaw ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera na walang sapilitan sa bagay na ito. Kahit aniya inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang resumption […]
-
PBBM, suportado ang panukala ng PSAC na magsanay ng mas maraming Pinoy Healthcare
SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang ituloy ang pagsasanay sa mas maraming manggagawang Filipino sa healthcare at information technology (IT) sectors. Kailangan na i- require sa mga ito na magsilbi ng dalawa hanggang tatlong taon ‘locally’ bago pa payagan ang mga ito na maghanap ng trabaho sa ibang bansa para […]