• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr, NLEX lumagda sa kasunduan tungkol sa PNR Clark 2

Lumagda ang Department of Transportation (DOTr) at NLEX Corp. sa isang kasunduan upang masiguro ang tuloy-tuloy na construction ng PNR Clark Phase 2 (Malolos-Clark) project.

 

 

Sa nasabing kasunduan, napapaloob at nasasaad dito ay ang paghahanda sa mga coordinated designs, traffic management, safety at security plans na kailangan upang masiguro na ang construction ng PNR Clark Phase 2 ay nasa tamang kalagayan.

 

 

Ang PNR Clark Phase 2 ay isang parte ng malawakang construction ng North-South Commuter Railway (NSCR) project na ginawa at denesinyo na babagtas sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

 

 

“Under the agreement, the DOTr said columns for the PNR Clark project would be constructed in the shoulders and median island that will cross above the SCTEX to allow seamless operations of both the expressway and the railway,” wika ni NLEX president at general manager Luigi Bautista.

 

 

Kung kaya’t nagbigay ang NLEX ng certificate of no objection para sa desinyo at sa pagtatayo ng portion ng PNR Clark 2.

 

 

Ayon kay Bautista kanilang sinusuportahan ang proyekto na kanilang nakikitang makakatulong upang maisulong ang economic activity at gumanda ang paglalakbay ng mga tao sa Central Luzon at kalakhang Maynila.

 

 

“The PNR Clark Phase 2 is a monumental project that hopes to revitalize regions by improving mobility of people and advancing the transport of goods to and from the provinces,’ dagdag ni Bautista.

 

 

Ang ikalawang yugto ng proyektong NSCR ay ang 53-kilometer PNR Clark Phase 2 na siyang magdudugtong sa mag lungsod at bayan sa Central Luzon at Metro Manila.

 

 

Ito rin ang railway system na magdudugtong sa kauna-unahang airport express service na papuntang Clark International Airport.

 

 

Ang PNR Clark Phase 2 kapag tapos at operational na ay tiyak na makakabawas sa travel time sa pagitan ng Makati City at Clark International Airport kung saan ito ay magiging kulang-kulang na dalawang oras na lamang gamit ang airport express service.

 

 

Sa ngayon, ang overall progress ng construction ay nasa 32.21 percent na.  LASACMAR.

Other News
  • 2 TULAK TIMBOG SA P.7M SHABU

    DALAWANG umano’y notoryus drug pushers ang nalambat ng mga awtoridad matapos makuhanan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Norhern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong mga suspek na si Jessie Villazur, 36, ng J.A. Roldan St., […]

  • Sobrang blessed na nandito pa rin bilang Kapuso: DENNIS, hindi akalain na tatagal ng dalawang dekada

    ASAHAN ang mas maraming groundbreaking performances mula sa award-winning actor at Kapuso Drama King na si Dennis Trillo, sa muli niyang pag-renew ng kontrata sa GMA Network na ginanap noong Oktubre 10.   Bahagi ito ng selebrasyon para sa kanyang ika-20 anibersaryo bilang Kapuso. Pumirma para sa GMA sina Chairman at Chief Executive Officer Atty. […]

  • Brendan Fraser Gives His Take On ‘The Mummy Returns’ Character The Scorpion King’s CGI Appearance

    A Mummy movie uniting Brendan Fraser and Dwayne Johnson could offer some salvation for the latter’s anti-hero the Scorpion King.   Johnson was best known as a wrestler when he made his film debut as the Scorpion King in 2001’s The Mummy Returns. In reality, the role was fairly brief, with Johnson appearing in the […]