DOTr: “No vax, no ride” sa NCR ipatutupad
- Published on January 14, 2022
- by @peoplesbalita
Simula sa susunod na linggo, ang mga pasaherong walang bakuna ay hindi na papayagan na sumakay sa mga pampublikong transportasyon habang ang Department of Transportation (DOTr) ay magpapatupad ng “no vaccine, no ride” na polisia sa National Capital Region (NCR).
Nilagdaan ni DOTr Secretary Arthur Tugade noong nakarang Martes ang isang Department Order No. 2022-001 na naglalayon na limitahan ang access sa mga pampublikong transportasyon habang ang NCR ay nasa Alert Level 3.
“The order, which is in line with President Duterte’s directive to restrict the movement of unvaccinated people in the National Capital Region, applies to all domestic travel to, from and within the NCR via public transportation by land, rail, sea and air,” wika ni Tugade.
Kasama rin ang mga taong nakatira sa labas ng NCR subalit nagtratrabaho or naglalakbay sa labas ng rehiyon.
“All concerned attached agencies and sectoral offices of DOTr are directed to ensure that operators of public transportation shall allow access or issue tickets only to fully vaccinated persons as evidenced by physical or digital copies of an LGU-issued vaccine card, or any IATF-prescribed document, with a valid government issued ID with picture and address,” dagdag ni Tugade.
Nakalagay sa DO na ang taong matatawag na fully vaccinated ay yoon dalawang linggo ng nakalipas ng sila ay nababakunahan matapos ang ikalawang bakuna ng kanilang two-dosed vaccination series tulad ng Pfizer o Moderna na bakuna, o di kaya ay pagkatapos ng dalawang linggo matapos silang maturukan ng single-dose ng Johnson & Johnson.
Ang mga exempted naman sa DO ay yoon mga taong may mga medical conditions na pinagbabawalan na bakunahan laban sa COVID-19 subalit kailangan magpakita sila ng duly-signed na medical certificate mula sa kanilang doctor na may nakalagay ng kanilang pangalan at contact details.
Puwede rin lumabas ng kanilang tahanan ang mga walang bakuna kung sila ay bibili ng mga eseential goods at services tulad ng pagkain, tubig, gamot, medical devices, public utilities, energy, work at medical at dental na pangangailan subalit dapat may ipakitang barangay health pass o di kaya ay patunay na kailangan nilang maglakbay at umalis ng bahay.
“Any violation would be penalized in accordance with the respective charters, authority, rules and regulations of the concerned attached agencies and sectoral offices. The ones we will penalize are the drivers and operators who accept unvaccinated passengers, or those without vaccination cards. So, in a way the burden to enforce the DO is on the operators and the drivers. They should not let in or accept passengers if they know that they don’t have vaccination cards. They need to check,” saad ni Tugade.
Subalit ang mga pasahero na mahuhuli ay hindi bibigyan ng penalties. Kapag nahuli sila ay hindi papayagan na sumakay sa mga pampublikong transportasyon kung kaya’t sila ay mahihirapan.
Huming naman ng tulong ang DOTr sa Philippine National Police (PNP) para sa pagpapatupad ng nasabing polisia kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), at Inter-Agency Council for Traffic at ang Highway Patrol Group (PNP-HPG).
Samantala, umalma ang activist group na Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at sinabing ang polisia ay “patently illegal and absurd” habang may 48 na porsiento pa ng populasyon ang wala pang bakuna.
Kasama rin si presidential candidate at Senator Manny Pacquia sa hindi ayon sa pagpapatupad ng nasabing polisia kung saan niya sinabi na dapat munang unahin ng pamahalaan na may sapat na supply ng bakuna sa lahat ng tao. Ganon din ang pananaw ni presidential aspirant at Senator Panfilo Lacson. LASACMAR
-
Bukod tangi sa NCR, Navotas kinilala ng COA
NAKAMIT ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ikalimang sunod na taon ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) matapos bigyan ng ahensya ng “unmodified opinion” ang presentasyon ng lungsod ng 2019 financial statements nito. Namummukod-tangi ang Navotas na lokal na pamahalaang nakagawa nito sa Kalakhang Maynila. Labis naman itong […]
-
Personal journey at baka ‘di na maulit: CHARLENE, first time pa lang makasama sina AGA, ATASHA at ANDRES sa isang show
FIRST time palang magsasama sa isang TV project ang mag-asawang Charlene Gonzalez at Aga Muhlach at ang mga anak nilang si Atasha at Andres Muhlach. Ito ay sa sitcom na ‘Da Pers Family’ ng TV5. Kaya pagkukuwento ni Charlene, “I would say for Aga and I, I could say Da Pers Family is a […]
-
MMDA naglagay ng lay-by area para sa mga bikers
Naglagay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga lay-by area para sa mga motorcycle riders sa EDSA na kanilang maaaring gamitin kung may malakas na ulan. Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos na ang mga motorcycle riders ay puwedeng gumamit ng mga lay-by area upang magpahinto ng ulan upang hindi sila maging […]