DOTr, pagmumultahin ang mga lalabag sa ‘no vax, no ride’ policy
- Published on January 19, 2022
- by @peoplesbalita
PAGMUMULTAHIN ng Department of Transportation (DOTr) line agencies ang mga drivers at operators ng public utility vehicles (PUVs) kapag napatunayang lumabag sa “no vaccination, no ride policy” sa National Capital Region (NCR), simula araw ng Martes.
Sa Viber message, sinabi ni DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran na ang mga traffic enforcers mula sa Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), Land Transportation (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Philippine National Police (PNP) – Highway Patrol Group (HPG) ay kasalukuyan nang nagbibigay babala laban sa mga violators.
Gayunpaman, ang mga traffic enforcers sa ilalim ng ilang local government units (LGU) ay nagsimula nang magpatupad ng “fines and penalties.”
“LGUs are not under DOTr. They are operating and issuing tickets in line with their respective ordinances,” ayon kay Libiran.
Sa ilalim ng LTFRB, sinabi ni Libiran na ang PUV drivers at operators na lalabag sa mandatory vaccination policy ay pagmumultahin ng P5,000 para sa first offense at P10,000 para sa second offense at i- impound ang kanilang PUV sa loob ng 30 araw.
Para sa third offense, ang mga pasaway na drivers at operators ay pagmumultahin ng P15,000 at sususpendihin o kakanselahin ang kanilang prangkisa.
Ang implementasyon ng mandatory vaccination policy sa public transportation ay opisyal na nagsimula, araw ng Lunes sa pamamamagitan ng joint operation ng I-ACT kasama ang PNP at LTFRB sa mga pangunahing lansangan sa National Capital Region (NCR). (Daris Jose)
-
Mas marami sanang namatay na health workers kung hindi bumili ng medical supplies ang pamahalaan mula sa Pharmally- Sec. Roque
SINABI ng Malakanyang na mas marami sanang namatay na health workers sa gitna ng COVID-19 pandemic kung hindi bumili ang gobyerno ng medical supplies mula Pharmally Pharmaceutical Corporation. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay bilang pagdepensa sa naging desisyon ng pamahalaan na bumili ng medical supplies mula Pharmally, ilang araw […]
-
Margot Robbie, Teases Multiple Harley Quinn Costume Changes In ‘The Suicide Squad’
MARGOT Robbie teased multiple costume changes for Harley Quinn in The Suicide Squad. Robbie is one of the only returning members from David Ayer‘s 2016 film and that’s thanks to the immense popularity of her take on Harley Quinn. Robbie was the standout member of what was a stellar cast and her demented take […]
-
Trillanes, 9 iba pa, pinaaaresto sa kasong sedition
Naglabas na ng arrest warrant ang isang Quezon City court kahapon, Biyernes, Pebrero 14, laban kay dating Senador Antonio Trillanes IV at sa 9 na iba pang sangkot sa kasong conspiracy to commit sedition. Inilabas ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 138 ang warrant kung saan nag-ugat ang reklamo matapos na makitaan ng […]