DOTR, papayagan na ang pagbabalik ng provinCial buses sa EDSA – MMDA
- Published on March 26, 2022
- by @peoplesbalita
AGSASAGAWA raw ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng dalawang linggong dry run para sa pagbabalik sa provincial vuses sa EDSA simula sa kagabi.
Kasunod na rin ito ng pagbibigay ng green light mula ng Department of Transportation (DoTr).
Sa isang statement, sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na base raw sa Inter Agency Task Force (IATF) Resolution No. 101 patungkol sa uniform travel protocols ay magpapasok na raw ngayong Huwebes.
Dakong alas-10:00 kagabi nang pinayagan na ang muling pagbabalik ng mga provincial buses sa EDSA at magtatagal ito hanggang alas-5:00 ng umaga.
Samantala, pumirma naman ng plegde of commitment ang MMDA at representatives mula sa multi-sectoral stakeholders para mapaganda raw ang public at private transportation sa National Capital Region.
Kabilang sa mga panukalang traffic plans ang pagpapalawig ng number coding scheme at muling pagpapatupad ng truck ban policy bilang paghahanda sa tinatawag na new normal.
Magsasagawa naman daw ng serye ng konsultasyon ang MMDA para mapaganda pa nila ang traffic management sa Metro Manila. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
PDU30, inakusahan ang Philippine Red Cross na “sablay” sa pagsasagawa ng COVID tests
PINARATANGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Philippine Red Cross na sablay sa pagsasagawa ng COVID-19 tests sa bansa dahil sa makailang ulit na pagkakamali na pagbibigay ng resulta nito. Sa Talk to the People, araw ng Lunes ay isiniwalat ng Pangulo ang 44 hospital personnel, na nadeklarang COVID-19 positive ng Philippine Red Cross […]
-
Nananatiling nirerebisa pa: Magna Carta of Seafarers, hindi nilagdaan ni PBBM
NAUDLOT ang paglagda sana sa panulakang Magna Carta of Filipino Seafarers, araw ng Lunes dahil sinabi ng Malakanyang na kailangan pa itong rebisahing mabuti. Hangad ng Magna Carta of Filipino Seafarers na ayusin ang karapatan at responsibilidad ng mga seafarers o madaragat at magtatag ng mekanismo para sa proteksyon ng karapatan ng mga […]
-
Pagpapatuloy ng face-to-face classes sa 39 Metro Manila schools ‘generally smooth’- DepEd
SINABI ng Department of Education (DepEd) na “generally smooth” ang pagpapatuloy ng limited face-to-face classes sa ilang piling public at private schools sa National Capital Region (NCR). “Overall assessment was smooth and learners are excited to go back to schools,” ayon kay DepEd Human Resource and Organizational Development Officer-in-Charge (OIC) Wilfredo Cabral. […]