• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: PNR Clark Phase 1,2 pinabibilis ang konstruksyon

Ang Philippine National Railways (PNR) Clark Phase1,2 project ay inaasahang matatapos ayon sa schedule matapos na ipagutos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na pabilisin ang konstruksyon nito.

 

 

“We have a lot of catching to do with so little time left. I want to have this project benefitted a lot of people. That’s why I am pushing and pressuring the Railway sector really hard to fast tract the construction works of this big-ticket railway project in the best way possible,” wika ni Tugade.

 

 

Mayron nang overall progress rate na 43 percent at construction phase rate na 11.78 percent noong January 2021.

 

 

Ang 38-kilometer PNR Clark Phase 1 ay magkakaron ng operasyon mula sa Manila papuntang Malolos sa Bulacan. Ito ang unang bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR).

 

 

Inaasahang mababawasan ang travel time sa pagitan ng Tutuban sa Manila at Bulacan mula isang oras at 30 minuto ng 35 minuto na lamang. Tataas naman ang railway capacity sa 330,000 passengers kada araw.

 

 

“This will be partially operable by the fourth of 2021 and full operations in the second quarter of 2024,” saad naman ni PNR general manager Junn Magno.

 

 

Samantala, ang 53-kilometer na PNR Clark Phase 2 na mula sa Malolos hanggang Clark sa Pampanga ay may overall progress rate na 27.79 percent noong katapusan ng January 2021.

 

 

“Once completed, travel time between Bulacan and Pampanga will be reduced from the current one hour and 30 minutes to just 35 minutes. It can accommodate 150,000 passengers daily as the country’s first airport express service,” dagdag ni Magno.

 

 

Ang ikalawang bahagi ng NSCR ay inaasahang magiging partially operational sa second quarter ng 2023 at ang full operation ay tinatayang mangyayari sa third quarter ng 2024.

 

 

Travel time mula sa Manila papuntang Clark ay magiging 55 na minuto na lamang kumpara sa 2 oras ng paglalakbay sakay ng kotse.

 

 

Ayon pa rin kay Magno ang mga ginagawang improvements sa PNR stations, routes, at trains ay tuloy-tuloy.

 

 

Dati rati noong 2017, ang PNR ay may 4 routes, 24 stations at seven-train sets lamang subalit sa ngayon ito ay mayron ng 7 routes, 34 stations at 11-trains sets noong katapusan ng 2020.

 

 

Ang huling bahagi ng NSCR ay ang PNR Calamba na may 56-kilometer na haba mula Solis sa Manila papuntang Calamba, Laguna at magkakaron ng travel time na isang oras na lamang mula sa dating tatlong oras na paglalakbay. (LASACMAR)

Other News
  • Humanga dahil mahuhusay umarte at napaka-professional: MIGUEL at YSABEL, sobrang kinakiligan ng former beauty queen na si JOYCE ANN

    DALAWANG world-class Filipino performers ang kasama sa 30th anniversary special ng Disney’s Beauty and the Beast na eere sa December 15 on ABC and will be available for streaming on Disney+ the following day.   Sina Grammy and Oscar winner H.E.R. at ang original Miss Saigon cast member na si Jon Jon Briones ang gaganap […]

  • RICHARD, may pahabol na bonggang birthday gift sa asawa; netizens napa-’SARAH All’

    WALANG kupas talaga ang init ng pagmamahalan sa pagitan ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.     Mukhang habang nasa lock-in taping pa si Richard ng Ang Probinsyano ay nagawa pa rin nitong supresahin ang kanyang isis na si Sarah. Nag-celebrate na silang dalawa ng birthday ni Sarah, pero may pahabol pa palang birthday […]

  • DOTr: kapasidad ng mga mass transport dati pa rin ngayon ECQ

    Wala nang mangyayaring pagbabawas ng kapasidad ng mga mass transport sa National Capital Region-Plus bubble sa ilalim ng isang linggong pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).     Ito ang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) sa isang statement na kanilang ginawa.     Ang DOTr na siyang naatasan na gumawa ng guidelines tungkol sa […]