DOTr sa LTO: Driver’s license exam, isalin sa iba’t ibang wika
- Published on March 4, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI na magiging limitado sa lengguwaheng Filipino at English ang ibinibigay na pagsusulit ng Land Transportation Office (LTO) para makakuha ng driver’s license ang isang indibiduwal.
Sa Department Order 2020-003 na pinirmahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, inatasan niya ang LTO na maglabas din ng driver’s licensure exam na mababasa sa English, Filipino o anumang lengguwahe ng kukuha ng lisensiya.
Ayon kay Tugade, ito ang resulta ng naging dayalogo nila ni Davao Oriental 2nd District Representative Joel Mayo Almario.
“Sa isang pulong, hiningi ni Cong. Mayo na isalin sa iba’t ibang lengguwahe ang examination questions.
Napakagandang suhestiyon niyan kaya bakit hindi natin tatanggapin at ipatutupad?,” saad ni Tugade.
Layon umano nito na bigyang konsiderasyon ang mga kukuha ng exam sa Visayas at Mindanao, at iyong hindi nakakaintindi ng English o Filipino.
“I instructed the LTO, all examinations shall now be done in English, Tagalog, or the local language of the examinee,” aniya.
“We have already created a team for each of the major dialects. The assigned team will translate the driver’s license examination. The translation will be checked by experts of the language to ensure that the terms are accurate and official,” dagdag pa ng LTO chief.
Samantala, mahigit 100 public utility drivers ang nagpositibo sa nationwide random drug tests na isinagawa ng LTO, ayon sa isiniwalat sa isang Senate hearing kahapon (Martes).
Base sa datos na ipinrisinta ni LTO-National Capital Region Director Clarence Guinto, 116 sa 4,762 na sumailalim sa drug test sa limang rehiyon sa bansa ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga mula Hulyo 2019 hanggang Pebrero 2020.
80 sa mga nagpositibo ang mula Metro Manila, 13 mula sa Gitnang Luzon, 15 mula sa Calabarzon, dalawa mula sa Mimaropa, habang anim ang mula sa Bicol region.
Hinimok ni Senador Ronald Dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, ang pagkakaroon ng proactive steps sa pagpapatupad ng Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 upang iwasan ang drug-related road crashes.
Iminungkahi rin ni Senador Francis Tolentino na amyendahan ang Section 15 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 upang mabilis na pagpapasok sa mga public utility drivers sa mga rehabilitation centers na nasa impluwensya ng iligal na droga.
Ayon sa Article VIII ng naturang batas, kailangan munang mag-secure ng Court order upang ma-admit sa rehabilitasyon ang sinumang nagpositibo sa paggamit ng droga.
-
Kahit magkakasabay ang shows at movies: DINGDONG, nakuha pa ring mag-report sa duty bilang reservist
NGAYONG Biyernes na ang finale episode ng isa sa consistent top-rater sa primetime ng GMA-7, ang “Royal Blood.” Nakaaaliw lang ang iba na kinukuwestiyon pa ang pagiging top-rater ng serye, e, isa yata ito sa magandang primetime series na nagawa ng GMA-7, huh! So ‘yun nga, kung totoo raw talaga na […]
-
Isang tao lang ang papayagang lumabas kada pamilya kapag nagsimula na ang two-week ECQ sa MM- Padilla
SINABI ni National Task Force against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla Jr. na isang tao lamang sa kada pamilya ang papayagan na lumabas ng bahay para bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan sa oras na magsimula na ang two-week Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila. Ito’y habang hinihintay pa ang guidelines na gagamitin […]
-
ALL-NEW “SCREAM” REVEALS POSTERS OF LEGACY CHARACTERS
IT’S time for a killer reunion. Paramount Pictures has just released the individual posters of the legacy characters of the all-new horror thriller Scream, coming to Philippine movie theatres January 2022. Check out below the character one-sheets of Neve Campbell, Courtney Cox and David Arquette. [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/i3sXCxPaRl0] […]