• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr sa LTO: Driver’s license exam, isalin sa iba’t ibang wika

HINDI na magiging limitado sa lengguwaheng Filipino at English ang ibinibigay na pagsusulit ng Land Transportation Office (LTO) para makakuha ng driver’s license ang isang indibiduwal.

 

Sa Department Order 2020-003 na pinirmahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, inatasan niya ang LTO na maglabas din ng driver’s licensure exam na mababasa sa English, Filipino o anumang lengguwahe ng kukuha ng lisensiya.

 

Ayon kay Tugade, ito ang resulta ng naging dayalogo nila ni Davao Oriental 2nd District Representative Joel Mayo Almario.

 

“Sa isang pulong, hiningi ni Cong. Mayo na isalin sa iba’t ibang lengguwahe ang examination questions.

 

Napakagandang suhestiyon niyan kaya bakit hindi natin tatanggapin at ipatutupad?,” saad ni Tugade.

 

Layon umano nito na bigyang konsiderasyon ang mga kukuha ng exam sa Visayas at Mindanao, at iyong hindi nakakaintindi ng English o Filipino.

 

“I instructed the LTO, all examinations shall now be done in English, Tagalog, or the local language of the examinee,” aniya.

 

“We have already created a team for each of the major dialects. The assigned team will translate the driver’s license examination. The translation will be checked by experts of the language to ensure that the terms are accurate and official,” dagdag pa ng LTO chief.

 

Samantala, mahigit 100 public utility drivers ang nagpositibo sa nationwide random drug tests na isinagawa ng LTO, ayon sa isiniwalat sa isang Senate hearing kahapon (Martes).

 

Base sa datos na ipinrisinta ni LTO-National Capital Region Director Clarence Guinto, 116 sa 4,762 na sumailalim sa drug test sa limang rehiyon sa bansa ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga mula Hulyo 2019 hanggang Pebrero 2020.

 

80 sa mga nagpositibo ang mula Metro Manila, 13 mula sa Gitnang Luzon, 15 mula sa Calabarzon, dalawa mula sa Mimaropa, habang anim ang mula sa Bicol region.

 

Hinimok ni Senador Ronald Dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, ang pagkakaroon ng proactive steps sa pagpapatupad ng Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 upang iwasan ang drug-related road crashes.

 

Iminungkahi rin ni Senador Francis Tolentino na amyendahan ang Section 15 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 upang mabilis na pagpapasok sa mga public utility drivers sa mga rehabilitation centers na nasa impluwensya ng iligal na droga.

 

Ayon sa Article VIII ng naturang batas, kailangan munang mag-secure ng Court order upang ma-admit sa rehabilitasyon ang sinumang nagpositibo sa paggamit ng droga.

Other News
  • Higit 19K bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH

    NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng 19,262 bagong kaso ng COVID-19 nitong Agosto 22-28.     Batay sa National COVID-19 case bulletin na inilabas ng DOH nitong Lunes, mayroong average na 2,752 kaso na naitatala kada araw sa nakalipas na linggo.     Mas mababa na ito ng 19% kumpara sa mga kasong naitala mula Agosto 15-21. […]

  • US bibili ng 500-M doses ng bakuna laban sa COVID-19 para ipamahagi sa mga bansa

    Nakatakdang bumili ang US Ng 500 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na ipapamigay sa 100 bansa sa loob ng dalawang taon.     Sinabi ni US President Joe Biden na unang ipapamahagi ang 200 milyon doses ng bakuna ngayong taon at ang mga natitira ay sa 2022.   Ang hakbang ay kasunod na pressure […]

  • Ibinuko ng director ng serye na labis na nag-alala: BIANCA at RURU, nagkatampuhan at nag-unfollow sa IG habang nagte-taping

    NAGKATAMPUHAN hanggang sa umabot sa pag-a-unfollow nila sa isa’t-isa sa Instagram ang magkasintahang Bianca Umali at Ruru Madrid.     Ito ay habang nagte-taping sila para sa bago nilang proyekto, ang ‘The Write One’ ng GMA at VIU Philippines.     Ang direktor ng show nila na si King Marc Baco ang nagbulgar nito.   […]