• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dottie sumalo sa ika-54

HUMILERA si Dottie Ardina sa tatlo sa ika-54 na puwesto na may $715 (P34K) bawat isa, habang si Clarissmon ‘Clariss’ Guce sa Amerikanang si Gigi Stoll para sa 57T na may $669 (P32K) each sa kahahambalos lang na 16th Symetra Tour 2021 sixth leg, $175K 13th Symetra Classic sa River Run Country Club sa Davidson, North Carolina.

 

 

Nagsumite mga round na 70-75-55 pa-six-over par 222 ang Pinay shotmaker mula sa Canlubang, Laguna na si  Ardina, samantalang nagsumite ng 72-75-76 (223) ang PH-born, US-based pero Pinoy flag pa rin ang kinakatawan na si Guce.

 

 

Bumida sa 54-hole, 3-day golfest si Casey Danielson ng United States sa paglusot sa playoffs laban kay Fatima Fernandez Cano ng Spain makaraang magsosyo sa regulation play sa 210 at kopoin ang $26,250 cash prize. (REC)

Other News
  • Djokovic pinayuhan na magpaturok ng COVID-19 vaccine para makalaro sa Australian Open

    Mahigpit na pinaalalahanan ng mga opisyal ng Australia na dapat magpaturok ng COVID-19 vaccine ang sinumang tennis player na lalahok sa Australian Open.     Isa sa maaapektuhan ay si Australian Open defending champion Novak Djokovic.     Hanggang sa kasalukuyan kasi ay hindi pa rin isinisiwalat ng Serbian tennis player kung ito ay nagpabakuna […]

  • MMDA, tinitingnan ang mas mabigat na alituntunin sa e-bikes, e-scooters

    SINABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tinitingnan nito na higpitan ang alituntunin o patakaran sa paggamit ng  e-bikes at e-scooters kasunod ng napaulat na mga insidente ngayong taon.     Ayon kay Victor Nuñez, pinuno ng traffic discipline office for enforcement ng MMDA, medyo maluwag kasi ang ahensiya sa pagpapatupad ng  Land Transportation […]

  • Eala akyat sa world junior girls’ singles No. 2 ranking

    PUMAILANLANG SA world No. 2 ng International Tennis Federation (ITF) junior girls’ singles ranking ang tennis sensation na si Alexandra ‘Alex’ Eala ng Pilipinas pagkalipas ng 124 th French Open 2020 Final 4 finish sa nakalipas na linggo.   Humakbang ng dalawang ulit kaya buhat sa ikaapat na puwesto, nasa ikalawa na ang 15- anyos […]