• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOUBLE GOLD KAY CARLOS YULO SA 2024 PARIS OLYMPICS

MULING nakasungkit ng gintong medalya si Pinoy gymnast Carlos Yulo sa vault final ng Paris Olympics 2024.
Nangibabaw si Yulo sa mga nakaharap nito kung saan mayroong nakuhang 15.433 points mula sa unang vault jump niya at 14.800 naman mula sa ikalawang jump.
Nagtala si Yulo ng kasaysayan dahil siya lamang ang atletang Pilipino na nakakuha ng dalawang gintong medalya sa isang Olympics.
Magugunitang nitong Sabado ng gabi ng makuha ni Yulo ang gintong medalya sa floor exercise.  Sa pagkakapanalo ni Caloy sa Artistic Gymnastics, Floor Exercise at Vault Final siya ngayon ang may hawak ng mga titulong “First Filipino Athlete to win two gold medals in the olympics, First Filipino Athlete to win two gold medals in a single olympics, First Olympic Medal for the Philippines in artistic gymnastic, First Male Philippine Athlete.
Pagkatapos ng kumpetisyon ay agad nagpasalamat  at narito ang mensahe ni two-time gold medalist Carlos Yulo sa lahat ng mga Pilipinong sumuporta sa kanya. ” Gusto ko pong magpasalamat sa pagpupuyat n’yo po, grabe po sa pag-take ng time po, na pagdasal ako, panoorin at subaybayan, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.  Huwag tayong mawawalan ng pag-asa.
Magpasalamat tayo sa Diyos kung anong meron tayo. God bless us all. Mag-ingat po tayong lahat. Sa mga taong naniwala sa akin talaga, para sa kanila ‘tong lahat.”
At mula sa People’s Balita, congratulations Carlos Edriel Yulo sa iyong makasaysayang panalo sa 2024 Paris Olympics, ang kauna-unahang Filipino Gymnast na nagwagi ng Olympic gold medal, hindi lang isa kundi dalawa pa,  ipinagmamalaki na namin, ang iyong kuwento ay inspirasyon sa bawat Pilipino.”
(M.R. Antazo)
Other News
  • Contribution hike, sinimulan na ng SSS

    SINIMULAN nang ipatupad ng Social Security System (SSS) ang probisyon ng RA 11199 o ang Social Security Act of 2018 na nagtataas ng kontribusyon ng mga mi­yembro upang matiyak ang financial viability ng ahensiya para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.     Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, na […]

  • PBBM, ipinag-utos sa DENR na i-assess ang oil spill … Tanker may kargang 1.4 milyong litro langis, lumubog sa Bataan

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na i-assess ang environmental impact ng isang oil spill mula sa napakalaking oil tanker na tumaob sa baybayin ng Bataan. Sa isang situation briefing sa epekto ng Super Typhoon Carina at pinalakas na […]

  • GINANG BINARIL NG ISANG PULID SA KYUSI PATAY

    PATAY ang isang ginang matapos na barilin ng isang galit-na galit na pulis sa may Commonwealth QC gabi ng Lunes Mayo 31. Kinilala ang biktima na si Lilybeth Valdez habang ang suspek na pulis ay kinilalang sia P.Master Sgt. Hensy Sinampan nakatalaga sa Kampo Crame sa PSPG. Sa panayan ng anak ni Valdez sa isang […]