DR. GOMEZ: MEDICAL CANNABIS MALAPIT NG MAISABATAS
- Published on May 9, 2023
- by @peoplesbalita
Bagamat araw ng pagawa ngayong araw May 1, 2023 at walang pasok ang mga nag-oopisina sa gobyerno at pribadong sector, tuloy pa rin ang nakagawian ng BAUERTEK Media Health Forum na ginanaganap tuwing lunes sa isang restaurant sa lungsod Quezon.
Ito ay pinangungunahan pa rin ni Dr. Richard Nixon Gomez bilang General Manager ng BAUERTEK, na ang adbokasiya ay maisabatas at maging legal ang paggamit ng halamang gamot na marijuana o cannabis sa bansa. Ito ay ipoproseso sa isang laboratoryo para gawing Medical Cannabis na kung saan ang laboratoryo ay nakatayo na at handang handa na, hinihintay na lamang na maisabatas ito at maging legal.
Ayon kay Dr. Gomez, ang medical cannabis ay matagal nang ginagamit bilang gamot sa mahabang panahon at milyon-milyong pasyente na ang gumagamit worldwide. “Bakit sa Pilipinas, ayaw pang ipagamit ang medical cannabis, samantalang maari nitong matulungan ang isang milyong Pilipinong may sakit?”
Dagdag pa ni Dr Gomez, “Ang medical cannabis ay malapit ng maisa-batas, dahil na rin umano sa dami na ng sumusuportang politiko, government official, at kilalang mga personalidad, dahil din umano sa alam na ng nakakarami sa ngayon, na meron na tayong laboratoryo na kung saan ipoproseso ang Marijuana para gawing Medical cannabis.”
Matatandaang, lumabas sa ilang pahayagan taong 2019 na mismong si dating House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ay umaming gumamit ng medical cannabis, na isa umano sa nagbenepisyo nito. Nilalagyan umano ng pain patch na medicinal marijuana ang cervical spine na sumasakit kay Gng. Arroyo.
Subalit paglilinaw nito, na sa ibang bansa niya ito ginagawa kung saan pinapayagan ang paggamit ng cannabis para sa medical purposes at hindi rito sa Pilipinas dahil wala pang batas na sumusuporta rito. Naniniwala ang dating SGMA, na bukod sa kanya, ay marami pang may sakit ang matutulungan at mapapagaling ng medical cannabis. Kung kaya isa rin umano siya sa may-akda ng panukalang inihain sa Kamara na gawing legal ang medical cannabis sa bansa sa kanyang kapanahunan.
Naging panauhin sa ginanap na forum sina: Dr. MacGerald Cueto, Associate Professor, UERM, Memorial Center Inc., Doc-Atty. Leo Olarte, Former President Philippine Medical Association, Dr. Gem Mutia, Founder , Philippine Society of Cannabinoid Medicine.
Ipinaliwanag ni Dr. MacGerald Cueto ang tungkol sa Acupuncture bilang bihasang acupuncturist lalo na pagdating sa pain management. Ang Acupuncture ay ang pagtusok ng mga maninipis na karayom sa iba’t ibang bahagi ng katawan na base sa pag-aaral ng siyensiya. Ang pamamaraang ito ay nakatutulong laban sa chronic pain, headaches, migraine at iba pa. Nalulunasan din ang ang problema ng mga kalalakihan pagdating sa erectal dysfunction, ayon pa kay Dr. Cueto.
Sinabi naman ni Dr. Gem Mutia na dapat suportahan ng gobyerno ang pagsasabatas ng paggamit ng Medical cannabis, ang halamang gamot na marijuana. Huwag maging negatibo ang pananaw lalo na pagdating sa marijuana dahil ito umano ang magpapagaling sa milyong Pilipinong may sakit. Magbibigay din ito ng dagdag kita sa kaban ng bayan. Suportado naman ni Doc. Atty Olarte, ang pagsasabatas ng medical cannabis sa bansa.
Nagsilbing host sa nasabing BAUERTEK Media Health Forum sina: Edwin Eusebio at Rolly Lakay Gonzalo. (Raffy Rico)
-
Pinoy paralympic swimmer Gary Bejino bigong umusad sa 200m Individual Medley finals
Bigo ang Pinoy paralympic swimmer na si Gary Bejino na umabanse sa sa finals sa men’s 200m Individual Medley sa paralympic games na ginaganap sa Tokyo, Japan. Sa kanyang paglahok kanina pumuwesto siya sa ika-17 bilang pinakahuli sa mga sumabak sa 200 meters medley. Nanguna bilang may pinakamabilis na paglangoy ang pambato ng Colombia. […]
-
Cyber security office, itatag vs hackers! – Tulfo
NANANAWAGAN si House Deputy Majority Floor Leader at ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo sa pamahalaan na magtatag na ng isang ahensya para protektahan at labanan ang anumang pag-atake ng mga hackers, o mas malala pa, ng mga cyber terrorists, sa mga computer at data systems sa bansa. Ito’y matapos ang sunud-sunod na pag-atake ng […]
-
Grizzlies sinibak ang Wolves
WINAKASAN ng Grizzlies ang kanilang first-round series ng karibal na Minnesota Timberwolves matapos angkinin ang 114-106 panalo sa Game Six papasok sa Western Conference semifinal round. Lalabanan ng Memphis sa best-of-seven semifinals series sina ‘Splash Brothers’ Stephen Curry at Klay Thompson at ang Golden State Warriors, ang NBA champions noong 2015, 2017 at […]