• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dream house nila ni Dingdong, pinakita na for the first time.. MARIAN, naiiyak pa rin ‘pag napag-uusapan ang pagkakaroon ng isang buong pamilya

SA unang pagkakataon sa telebisyon, ipinakita na ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang bagong gawang bahay sa Makati sa ‘Kapuso Mo Jessica Soho’.
Kahit nagpasilip, masasabing na-maintain pa rin ang privacy ng bahay dahil halos ‘yung naipo-post lang din nila sa social media nila ang ipinakita.
Pero tiyak na maaaliw ang mga nanood, lalo na sa mga fan ng Dantes Squad dahil sa pa-sample ni Zia Dantes ng husay niya sa pagtugtog ng piano habang sinabayan ng pagkanta ni Ms. Jessica. At ang kabibuhan at kaguwapuhan naman ni Sixto.
During their interview, hindi napigilan ni Marian na maging emosyonal. Tuwing mapupunta talaga ang topic sa pagkakaroon ng isang buong pamilya. Naluha pa rin si Marian kahit ilang beses na niya itong sinasabi.
Sabi ni Marian, “Pangarap ko po talaga, at ito ‘yung dasal ko na ‘yung mga anak ko, kasama nila sa paglaki ang mga magulang nila. Kasi ako, hindi ko ‘yun na-experience.”
Nag-trabaho na sa ibang bansa ang Mama ni Marian habang separated na ito sa Daddy niya na Espanyol naman. Ang Lola Ingga ni Marian sa Cavite ang nakasama niyang lumaki.
Beautiful family talaga sina Dingdong at Marian na ang wish pa rin, kung pagbibigyan daw sila ay mabigyan pa rin ng younger sibling sina Zia at Sixto.
Sa isang banda, ikatutuwa rin sigurado ng mga fan, lalo na ni Marian dahil nabanggit nito na by 2023, after nga na mamahinga muna from doing any teleserye, may gagawin na raw siya.
***
POSITIBO si Direk Lino Cayetano sa darating na 2022 Metro Manila Film Festival.
Ang totoo pala, hindi naman nila inaasahan na ang Rein Entertainment’s movie na “Nanahimik Ang Gabi” ay magiging isa sa walong official entries for MMFF.
Kaya gano’n na lang ang positivity na meron siya dahil naniniwala rin siya na magaganda ang line-up ng MMFF ngayon.
Excited daw siya lalo na after nanahimik naman talaga ang mga tao sa panonood ng sine dahil sa pandemic, sana maging hudyat ang MMFF ngayon na maibalik ang interes, lalo na ng mga Pinoy sa movies.
Suspense/thriller ang genre ng “Nanahimik ang Gabi”, kaya walang isyu sa kanila kahit madalas sabihin na ang “Deleter” ang nag-iisang horror movie sa filmfest ngayon.
Sabi pa ni Direk Lino, “It’s made for the theaters. Sana ho, ma-experience niyo ang maupo ro’n na may kasamang mahal niyo sa buhay or date o mga kaibigan.
“At makita niyo ang inihanda nating amazing performance from Mon (Confiado), Ian Veneracion and Heaven Peralejo.”
At sey rin niya, revelation daw talaga si Heaven sa movie.
“Magugulat kayo sa performance ni Heaven dito. Napakagaling niya,” papuri nga nito sa kanilang lead actress.
Kay Mon naman daw, akala niya wala na siyang ikagugulat dito.
“With Mon, akala ko hindi na ko magugulat ni Mon Confiado. Pero ginulat pa ko. Si Ian, napaka-charming, guwapo, seductive. Pero pagdating dito, pwede rin pala siyang nakakatakot. Ang lalim ng iba’t-ibang characters. It’s really cinematic experience.”
Ang ‘Nanahimik ang Gabi’ ay mapapanood na sa December 25.
(ROSE GARCIA)
Other News
  • Cha-cha, dapat nakatuon sa paghikayat sa mga potential investors

    SINABI  ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na ang pag-aaral para amiyendahan ang 1987 Constitution ay dapat na nakatuon sa kung paano aakitin at hihikayatin  ang mas maraming investors sa bansa.       Sa isang ambush interview sa Muntinlupa City,  hiningan  kasi si Pangulong Marcos ng reaksyon sa kamakailan lamang na panawagan ng Mababang Kapulungan […]

  • NBA All-Star Game 2021, kanselado na dahil sa COVID-19 pandemic

    Kinansela na ng NBA ang nakatakdang All-Star Games dahil sa coronavirus pandemic.   Gaganapin sana ito mula Pebrero 12-14 sa Indianapolis at ito ngayon ay ni-rescheduled sa 2024.   Sinabini NBA Commissioner Adam Silver, na dismayado sila sa hindi natuloy na All-Star Game ay umaasa sila na matutuloy na sa 2024 sa paghost ng Indiana […]

  • Bayanihan 3 ni Speaker Velasco, malabong iendorso ni PDu30

    NGAYON pa lamang ay nagpahiwatig na ang Malakanyang na malabong iendorso ni Pangulong Rodrigo Roa Duerte ang pagpapasa ng P420-billion stimulus package na ipinanukala ni House Speaker Lord Allan Velasco na tinawag bilang Bayanihan 3.     Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa kasalukuyan, ang P4.5-trillion 2021 National Budget at ang P165-billion Bayanihan to […]