Dream na niya noon pa na maging beauty queen: GABBI, nagpaalam kay JULIA na makakatrabaho si JOSHUA
- Published on May 20, 2023
- by @peoplesbalita
HINDI lamang nakapag-bonding kundi mas nakilala pa nina Bianca Umali at Ruru Madrid ang bawat isa sa recent Paris trip nila in connection with their GMA Public Affairs/VIU Philippines series na ‘The Write One”.
“Nakita ko ‘yung patience and growth ni Ruru that I don’t really see when we are in Manila kasi we’re always busy,” pagbabahagi ni Bianca.
Ang aktor naman, nakita ang maturity nila ni Bianca saang lugar man sila magpunta at sinabing mas tumatag pa ang relasyon nila ni Bianca.
“For the very first time sa buhay namin, or dito sa trip namin na ito, mas nakita ko na kayang kaya namin kahit na saang lupalop pa kami ng mundo papunta, kahit kaming dalawa lang nandiyan,” pahayag ni Ruru.
***
MULA pagkabata ay nais na pala ni Gabbi Garcia na maging isang beauty queen.
Kaya naman sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ay tinanong siya ni Tito Boy tungkol dito.
“Oo o hindi. Sasali ka ba ng beauty contest?”
“If the time is right,” ang sagot ni Gabbi.
Sa Fast Talk segment din, inilahad ni Gabbi na childhood dream niya na maging isang beauty queen at ito rin ang kaniyang dream role.
Tinanong din ni Tito Boy si Gabbi kung naniniwala siya sa destiny.
“I do believe in destiny. Yes because I remember my mom would always tell me, especially when I was younger lalo na kapag nare-reject ako… kasi lagi akong nire-reject noong bata ako kasi hindi ako masyadong magaling noong bata ako,” anang aktres.
“Pero full of confidence ako noong bata ako. My mom would always tell me ‘Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo.’ So for me that’s destiny,” dagdag niya.
Ilan sa mga Kapuso star na naging beauty queen ay sina Megan Young, Winwyn Marquez, Maxine Medina, Thia Thomalla, Kelley Day, at Michelle Dee, na itinanghal kamakailan na Miss Universe Philippines.
Samantala, inihayag ni Gabbi Garcia na bilang delicadeza ay nagpaalam siya sa kaibigang si Julia Barretto na makakatrabaho niya ang ex-boyfriend nito na si Joshua Garcia para sa “Unbreak My Heart.”
“Actually I called her. When the project was mentioned to me I called her. I also called her before I left for Europe,” sabi ni Gabbi.
“Not for anything, siguro values ko lang din as a woman and as her friend, and I called her in respect. Delicadeza lang for me na ‘Uy I’m gonna be working with Josh for this project,’” kuwento ni Gabbi.
Dahil dito, natawa raw sa kanya si Julia, na kaibigan niya simula pa noong high school sa St. Paul College.
“Natawa pa nga siya na, ‘Oh my God you don’t have to call me. You don’t even have to tell me,’” sabi raw sa kanya ni Julia.
“‘Wala lang, sabi ko ‘I just wanna let you know para lang walang gulatan,’” kuwento pa ni Gabbi.
Magkatrabaho sina Gabbi at Joshua sa “Unbreak My Heart” kasama rin sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, na dati ring mag-on screen partner.
Ipalalabas na ang “Unbreak My Heart” sa Mayo 29 mula Lunes hanggang Huwebes ng 9:35 p.m. sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, I Heart Movies, at 11:25 p.m. sa GTV. Available rin ito sa GMA Pinoy TV at TFC.
***
ISANG inspiring na kuwento tungkol sa kapalaran ang matutunghayan sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o ‘Magpakailanman’.
May tao ba talagang may kakambal na malas?
Iyan ang kuwentong bibigyang-buhay ni Kapuso actress Mikee Quintos sa episode na pinamagatang “Unlucky Girl: The Mariel Larsen Story.”
Gaganap si Mikee bilang Mariel na mas kilala sa palayaw niyang Lala, babaeng ipinanganak sa malas na petsa na Friday the 13th.
Dahil kakaiba ang petsa ng kanyang birthday, tila laging may nakabuntot na malas sa kanya.
Tuwing isasasama siya ng kanyang tatay as pangingisda, wala silang naiuuwing huli. Nagsara din ang mga kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Lala.
Pero parang dadapuan siya ng suwerte nang magustuhan siya ng Australian na si David. Willing itong pumunta at manirahan sa Pilipinas para lang makasama siya.
May pag-asa pa bang mawala ang kamalasan ni Lala?
Abangan ang kakaibang kuwentong ‘yan sa brand new episode na “Unlucky Girl: The Mariel Larsen Story,” May 20, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Tiangco, pinangunahan ang turnover ng mga gamit sa mga paaralan
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Navotas Teachers’ Day, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ng iba’t ibang kagamitan para sa mga pampublikong paaralan. (Richard Mesa)
-
Kabayanihan ng SAF44 inalala sa paggunita ng Nat’l Day of Remembrance
Ginugunita kahapon January 25, ang araw ng National Day of Remembrance para sa mga bayaning SAF44, inalala din ng Philippine National Police (PNP) ang kabayanihan ng mga nasawing police commando sa madugong enkwentro laban sa MILF nuong January 25,2015 sa Barangay Tukanalipao,Mamasapo,Maguindanao. Target ng nasabing operasyon na tinwag na Oplan Exodus ang International […]
-
DOH: 8,346 bagong COVID-19 infections sa Phl naitala; active cases pumalo na sa 71,472
Iniulat ng Department of Health (DOH) na aabot sa 8,346 ang bagong COVID-19 infections sa bansa, na mayroon nang kabuuang bilang sa ngayon na 1,054,983, hindi pa kasama ang datos mula sa pitong laboratoryo. Ayon sa kagawaran, mula sa kabuuang bilang ay 71,472 ang total active cases, kung saan 94.7% ang mild, 1.9% […]