“Dredging, pansamantala ngunit epektibong solusyon sa pagbaha” – Fernando
- Published on September 6, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Bagaman batid niya na hindi permanenteng solusyon ang paghuhukay ng mga ilog sa pagbaha sa lalawigan, sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na mahalagang sangkap ito sa pagpigil ng malawakang pagbaha sa Bulacan.
“Paglalagay talaga ng dike ang permanenteng solusyon sa pagbaha. Pero pansamantala, habang hindi pa ito nasisimulan, ito muna ang ating ginagawa para maibsan ang paghihirap ng mga tao,” anang gobernador.
Sa kabila ng pag-ulan, ininspeksyon ng gobernador, kasama sina Bise Gob. Alexis C. Castro at Kinatawan Danilo Domingo, ang mga dredging project sa Balite Creek sa Balite, Lungsod ng Malolos; Apulid Creek sa Longos, Lungsod ng Malolos; Sapang Bangkal sa San Isidro, Hagonoy; at Ilog Hagonoy sa San Agustin, Hagonoy kahapon.
Maliban dito, mayroon ring kasalukuyang dredging project ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pakikipagtulungan ni Cong. Domingo sa Bulihan, Barihan, Santissima, at Mojon, lahat sa Lungsod ng Malolos. Ang walong lokasyon na ito ay may target volume na 35,000 cubic meters sa kabuuan.
Binanggit din ni Fernando na nakipag-usap na siya sa mga lokal na opisyal ng Department of Public Works and Highways at nangako sila na magtatayo ng dike, pumping stations, at flood gates, at tataasan ang river wall sa lalawigan.
Bibili rin aniya ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Engineer’s Office sa pamumuno ni Inh. Glenn Reyes ng kahit na apat na karagdagang backhoe dredgers sa katapusan ng taon.
Humihingi rin ng tulong si Fernando mula sa Department of Environment and Natural Resources at DPWH; at sa mga lokal na pamahalaan na magdagdag ng backhoe upang makatulog sa sitwasyon.
Bukod pa rito, kumakalap rin ng suporta ang gobernador sa pamamagitan ng karagdagang kagamitan mula sa mga pribadong kumpanya upang masolusyunan ang mahabang panahong pakikipaglaban ng lalawigan sa baha.
Bilang panghuli, nanawagan si Fernando sa mga Bulakenyo na gawin ang kanilang bahagi sa pagprotekta ng kalikasan sa pamamagitan nang hindi pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig na maaaring magdulot nang pagkasira sa lalawigan.
“Itong lahat ng ginagawa natin ngayon ay mawawalan ng saysay kung patuloy pa rin po nating sisirain ang ating kapaligiran. Tayo po sa pamahalaan ay ginagawa ang lahat ng pamamaraan upang matulungan ang ating kababayan. Kayo naman pong ating mga kalalawigan, gawin rin po natin ang ating parte upang mapigil ang lubos na pagkasira ng ating kalikasan,” ani Fernando. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Tinanghal na ‘Outstanding Asian Star’: KIM, ‘di napigilang umiyak nang i-alay ang parangal kay DEO
HINDI napigilang umiyak ni Kim Chiu nang banggitin niya ang pangalan ng namayapang si Deo Endrinal na isa sa pinasalamatan niya nang tanggapin niya ang Outstanding Asian Star award sa 2024 Seoul International Drama Awards. Personal na tinanggap ni Kim ang nasabing award at talagang naglaan siya ng panahon para makarating sa bayan ng […]
-
Matandang dalaga tiklo sa P204K droga sa Valenzuela
NASAMSAM sa 44-anyos na dalaga ang mahigit P.2 milyong halaga ng shabu matapos siyang maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas “Janice”, 44, […]
-
Hidilyn Diaz-Naranjo gagawa ng ingay sa World Championships
PILIT na idadagdag ni 2020+1 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang isa pang kasaysayan sa asam na mailap na medalya sa pagbabalik nito sa aktibong kompetisyon sa pagsabak sa 2022 International Weightlifting Federation World Championships sa Bogota, Columbia. Naunang dumating ang Filipino Olympic champion sa Bogota, Colombia kasama ang asawa at coach na […]