Drive-thru vaccination site sa Maynila, binuksan
- Published on August 3, 2021
- by @peoplesbalita
Sa layuning mas mapa-bilis pa ang pagbabakuna sa gitna ng pinangangamba-hang pagkalat ng Delta va-riant binuksan na ang drive-thru vaccination site sa Quirino Grandstand, sa tabi ng COVID testing site at ng Manila COVID-19 Field Hospital sa Maynila, Sabado ng umaga.
Personal na pinangu-nahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang opening ng naturang vaccination site kung saan nasa 400 kaagad ang naitalang inisyal na naba-kunahan kahapon.
Sinaksihan nina National Task Force (NTF) against COVID-19 Deputy Chief Implementor Secretary Vince Dizon, DOH-NCR assistant regional director Dr. Paz Corrales at Metro Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, ang pagbubukas ng bagong vaccination site, na punuri sa nakitang bilis at maayos na sistema.
Ayon kay Moreno, maaaring magpabakuna dito ang mga indibiduwal na may sasakyan na may apat na gulong, gaya ng jeep o kotse. Hindi pa naman pwedeng pumila ang mga nakamotorsiklo o bike sa ngayon.
Paglilinaw naman ni Moreno, kailangan din munang mag-register online at magpa-schedule sa kanilang website.
-
30% ng mga tauhan ng PAL, matatanggal
Nag-abiso ang Philippine Airlines (PAL) na magtatanggal sila ng nasa 2,300 na tauhan. Katumbas ito ng 30 porsyento ng kanilang kabuuang work force. Pero tiniyak ng PAL na bibigyan ng options ang kanilang mga empleyado para sa angkop na benepisyo o kaya ay lilipat sa iba pang tanggapan na konektado sa […]
-
Halos 300 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Valenzuela
HALOS 300 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang naganap na sunog sa isang residential area sa Valenzuela City, Linggo ng madaling araw. Sa nakalap na ulat sa Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:20 ng madaling araw nang biglang sumiklab ang sunog sa residential area sa Sagip St., Brgy., Arkong […]
-
Ads September 25, 2020