• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Driver ng kontrobersyal na SUV na may plakang “7” lumutang sa LTO, lisensiya nito kinumpiska na

INIHARAP ng Land Transportation Office (LTO) ang driver ng kontrobersyal na sports utility vehicle (SUV) na may “7” protocol plate na ilegal na pumasok sa EDSA Busway at inanunsyo ng ahensya na natukoy na rin ang rehistradong may-ari ng nasabing sasakyan.

 

 

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang driver ay kinilalang si Angelito Edpan habang ang puting Cadillac Escalade ay nakarehistro sa Orient Pacific Corporation.

 

 

“I would like to announce that the mystery behind the ownership and the people behind the controversial SUV with Number 7 protocol plate on EDSA Busway is already solved,” ayon kay Assec Mendoza sa isang press briefing sa LTO Central Office sa Quezon City.

 

“We were contacted yesterday (November 5) and they informed us that they will show up to take full responsibility for that incident,” dagdag niya.

 

 

Sinabi ni Assec Mendoza na agad nilang inaksyunan ang insidente matapos mag-viral sa social media ang video ng paglabag at sinimulan ito sa pamamagitan ng pagsuri sa lahat ng Cadillac Escalade sa bansa na humigit-kumulang 100 unit.

 

 

Ang bilang gayunpaman, ay lumiit sa mas mababa sa 20 batay sa resulta ng paghahanap sa LTO system sa puting Cadillac Escalade.

 

 

Sa press conference, kinumpiska ng LTO ang lisensya ng driver na si Edpan at naglabas ng traffic violation ticket laban sa kanya.

 

 

“We will issue a show cause order and there could be more administrative charges based on the ongoing investigation,” ani Assec Mendoza.

 

 

Sa parehong press conference, kinumpirma ni Omar Guinomla, kinatawan ng Orient Pacific Corporation, na ang puting Cadillac Escalade ay sasakyan ng kanilang kumpanya.

 

 

Tiniyak ni Assec Mendoza sa publiko na ipapataw ang mga parusa kaugnay ng insidente. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Paglalagay ng floating barriers ng Tsina sa Scarborough Shoal, kinondena

    MARIING  kinondena ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang paglalagay ng Tsina ng mga floating barriers sa Scarborough Shoal na magsisilbing harang sa mga Pilipinong mangingisda sa kailang tradisyunal na fishing grounds.     Ayon sa mambabatas, ang hakbang ay isang malinaw na paglabag sa soberenya ng Pilipinas at […]

  • Warriors Andrew Wiggins sa ‘di pagpabakuna: ‘It’s my problem not yours’

    Agaw atensiyon ngayon sa mga mamamahayag si Golden State Warriors swingman Andrew Wiggins dahil sa pagmamatigas pa rin nito na hindi magpabakuna laban sa COVID-19.     Natanong sa media day si Wiggins kung paano na lamang na maging ang kanyang sweldo ay baka maapektuhan sa hindi nito pagpa-vaccine.     Sagot naman ni Wiggins, […]

  • Pinay tennis sensation Alex Eala, bigo kaagad sa Australian Open tournament

    Maagang nabigo sa tennis tournament si Alex Eala sa kanyang pro grand slam debut sa Australia Open.   Ang Pinay tennis sensation na si Eala, ay nabigo ng kanyang kontra katunggali na si Misako Doi ng Japan sa qualifying match na tumagal ng 2 oras at 37 minuto.   Sa pagkapanalo ng Japan, makakaharap ni […]