DRIVER’S LICENSE, BOW!
- Published on March 7, 2020
- by @peoplesbalita
KASKASERO, balasubas, kamote, pasaway ay ilan lamang sa mga bansag sa mga pasaway na drayber na hindi dapat nabibigyan ng prebilehiyo na makapagmaneho.
Kabilang sila sa mga dahilan kung bakit nakapagtala ng mahigit 121,000 insidente sa kalsada sa Metro Manila mula Enero hanggang Disyembre 2019.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kabuuang 121,771 na road crashes ang naitala. Pawang fatal, non-fatal at Damage to Property (DTP) ang klasipikasyon ng mga nangyaring insidente.
Kaugnay nito, mahigit 40,500 sa mga insidente ay naitala sa pitong major roads sa bansa — EDSA, C5, Commonwealth, Roxas Boulevard, Marcos Highway, Quezon Avenue at R10, habang ang mga sasakyang sangkot ay pedicab, tricycle, kotse, jeep, taxi, bus, truck at van. Kapansin-pansing hindi nabanggit ang motorsiklo na halos araw-araw ay may naiuulat ding insidente ng pagsemplang at salpukan.
Isa sa mga nakikita nating problema ay may mga drayber na kulang ang kaalaman sa mga batas-trapiko. Ang masaklap, sa kabila nito ay nakalulusot pa rin sa renewal ng lisensiya. Ibig sabihin, may isyu rin sa mga ahensiya ng gobyerno.
Sakit din sa ulo ang mga drayber na bumibiyahe nang wala sa huwisyo, lasing o sabog sa ilegal na droga. Sa simula pa lang ng 2020, kaliwa’t kanan na ang mga nabibiktima ng pag-araro at banggaan, huwag naman sanang lumobo pa sa pagtatapos ng taon.
Pero, kung lalo pang lalala ang mga insidenteng kinasasangkutan ng mga iresponsableng drayber, panahon na para mas higpitan ang mga batas na ipinatutupad sa lansangan.
Mula sa pagbibigay ng lisensiya, pagre-renew, hanggang sa pagpapataw ng parusa sa mga pasaway, kung puwedeng itodo na ang paghihigpit ay gawin na.
Tandaan, ang kapirasong papel na ipinagkatiwala sa atin ay lisensiya para makapamuhay nang mas komportable at madali ang mga bagay-bagay at hindi para mapadali ang sariling buhay o ang buhay ng sinuman.
-
Survivors, medical organizations empowered against cervical cancer at ‘Di Mo DeCerv event
More Filipinos need knowledge about the Human Papillomavirus (HPV) and cervical cancer. Cancer survivor and former athlete and coach Belay De la Cruz-Fernandez said as much during her talk at a recent cervical cancer awareness event, titled “Cervical Cancer: Di mo DeCerv.” “I recalled seeing billboards by the Department of Health from before, […]
-
Ads May 9, 2024
-
MAINE, honored na maging instrumento para i-promote ang livelihood opportunity na hatid ng ‘51Talk’; malaking tulong sa panahon ng pandemya
IN-ANNOUNCE sa mid-year press conference ng online English education platform 51Talk na nagsi-celebrate ng 10th year anniversary, na ang actress/host na si Maine Mendoza ang kanilang newest brand ambassador. Ibinahagi ng award-winning comedienne na malaki itong karangalan at very rewarding experience na i-represent ang 51Talk. “I said yes to 51Talk because […]