DRIVER’S LICENSE, BOW!
- Published on March 7, 2020
- by @peoplesbalita
KASKASERO, balasubas, kamote, pasaway ay ilan lamang sa mga bansag sa mga pasaway na drayber na hindi dapat nabibigyan ng prebilehiyo na makapagmaneho.
Kabilang sila sa mga dahilan kung bakit nakapagtala ng mahigit 121,000 insidente sa kalsada sa Metro Manila mula Enero hanggang Disyembre 2019.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kabuuang 121,771 na road crashes ang naitala. Pawang fatal, non-fatal at Damage to Property (DTP) ang klasipikasyon ng mga nangyaring insidente.
Kaugnay nito, mahigit 40,500 sa mga insidente ay naitala sa pitong major roads sa bansa — EDSA, C5, Commonwealth, Roxas Boulevard, Marcos Highway, Quezon Avenue at R10, habang ang mga sasakyang sangkot ay pedicab, tricycle, kotse, jeep, taxi, bus, truck at van. Kapansin-pansing hindi nabanggit ang motorsiklo na halos araw-araw ay may naiuulat ding insidente ng pagsemplang at salpukan.
Isa sa mga nakikita nating problema ay may mga drayber na kulang ang kaalaman sa mga batas-trapiko. Ang masaklap, sa kabila nito ay nakalulusot pa rin sa renewal ng lisensiya. Ibig sabihin, may isyu rin sa mga ahensiya ng gobyerno.
Sakit din sa ulo ang mga drayber na bumibiyahe nang wala sa huwisyo, lasing o sabog sa ilegal na droga. Sa simula pa lang ng 2020, kaliwa’t kanan na ang mga nabibiktima ng pag-araro at banggaan, huwag naman sanang lumobo pa sa pagtatapos ng taon.
Pero, kung lalo pang lalala ang mga insidenteng kinasasangkutan ng mga iresponsableng drayber, panahon na para mas higpitan ang mga batas na ipinatutupad sa lansangan.
Mula sa pagbibigay ng lisensiya, pagre-renew, hanggang sa pagpapataw ng parusa sa mga pasaway, kung puwedeng itodo na ang paghihigpit ay gawin na.
Tandaan, ang kapirasong papel na ipinagkatiwala sa atin ay lisensiya para makapamuhay nang mas komportable at madali ang mga bagay-bagay at hindi para mapadali ang sariling buhay o ang buhay ng sinuman.
-
₱33M halaga ng imprastraktura at 868 kabahayan napinsala ng lindol sa Abra
TINATAYANG umabot na sa 868 kabahayan sa Cordillera Administrative Region ang napinsala ng magnitude 7 na paglindol na tumama at umuga sa lalawigan ng Abra. Bukod dito, may ₱33 milyong halaga naman ng imprastraktura sa tatlong iba pang rehiyon ang napinsala rin ng nasabing paglindol. “There is no estimate yet on […]
-
Wright inalay ang panalo kay Bryant
HINDI pa rin maka-move on si Matthew Wright sa pagkamatay ni National Basketball Association o NBA legend Kobe Bryant, magsisiyam na buwan na matapos ang helicopter crash na kumitil sa buhay ng kanyang idol. Araw-araw daw pa ring naiisip ng Phoenix Super LPG guard si Los Angeles Lakers great na yumao noong Enero 26 […]
-
“Pogi” nagbigti sa footbridge sa Caloocan
WALA ng buhay nang matagpuan ang isang palaboy na lalaki matapos umanong magbigti sa ilalim ng isang footbridge sa Caloocan City. Inilarawan ng pulisya ang biktimang si alyas “Pogi”, ayon sa bansag sa kanya ng kanyang mga kapwa palaboy na nasa edad 40 hanggang 50, nakasuot ng pulang t-shirt, short pants at […]