‘Drone Squadron’, inilunsad ng QCPD
- Published on October 29, 2022
- by @peoplesbalita
INILUNSAD ng Quezon City Police District (QCPD) sa pangunguna ni P/BGen. Nicolas Torre III, ang kanilang sariling ‘drone squadron’ sa Camp Karingal sa Sikatuna Village, nabatid kahapon.
Ayon kay Torre, ide-deploy nila ang mga drones upang magbigay ng seguridad sa publiko at sawatain ang kriminalidad sa lungsod.
“We will deploy drones as they are very useful to possess the ability to reach areas by just merely controlling them. Also, they can be used for surveillance and other operations pertaining to police works,” ayon kay Torre.
Mismong si Torre rin ang nag-demonstrate kung paano gamitin ang mga drones.
Nabatid na ang drone squadron ay binubuo ng anim na grupo na pamumunuan ni P/Lt. Virgilio Mendoza.
Tiniyak naman ni Torre na ang mga drone pilot operators ay sinanay ng maayos.
Una anila itong idedeploy sa Undas at magpapadala ito ng live feed sa command center.
Ang drones ay ipapakalat sa iba’t ibang sementeryo, kolumbaryo, at mga lugar kung saan magtitipon-tipon ang mga tao sa Undas, at magsisilbing ‘eye in the sky’ ng mga awtoridad para sa anti-crime operations.
Nagsagawa rin ng simulation Exercises sa Integrated Command and Control Center (IC3).
May kabuuang 20 drone ang naka-deploy na sa limang sementeryo sa lungsod.
Gagamitin din naman ang mga drones sa pagbibigay ng seguridad sa panahon ng Kapaskuhan. (Daris Jose)
-
Bus vs ambulansya: 8 sugatan
Nasa walong katao ang nasugatan matapos na magbanggaan ang isang bus at ambulansya sa Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi. Hindi kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng mga sugatang biktima na kinabibilangan ng driver ng bus na nakilalang si Alber Lappay, 38, ang kanyang konduktor at anim na mga pasahero, na […]
-
Sa muling pagsasanib-pwersa nila ni Direk JOEL: SEAN, susubukan nang tumawid sa pagiging dramatic actor
MULING magsasanib-pwersa sa pelikula sina Sean De Guzman at Direk Joel Lamangan sa social media crime drama movie na may working title na Fall Guy. Ang Fall Guy ay istorya ay tungkol sa isang social media influencer na naging biktima ng injustice system dahil sa kanyang estado sa buhay. Ang pelikula ay isinulat […]
-
Mga atleta masasama sa unang matuturukan kung may sobra
BINUNYAG ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na mababakunahan ang 31st Southeast Asian Games-bound national athletes kung may mga sosobrang iniksiyon lang laban sa COVID-19 kapag dumating ang unang batch sa 2021 first quarter. Sang-ayon sa opisyal nitong Huwebes, mauunang tuturukan ang mga frontline health worker, mga senior citizen at may mga sakit […]