• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Drug-free workplace isinusulong sa Navotas

KINAKAILANGAN ng sumailalim ng mga empleyado sa mga business establishment sa Navotas sa taunang drug test kasunod ng pagsasabatas ng lungsod ng isang drug-free workplace ordinance.

 

 

Ipinasa ng Konseho ng Lungsod ng Navotas ang City Ordinance No. 2023-23 na nag-aatas sa mga piling negosyo sa Navotas na panatilihin ang isang ligtas at malusog na kapaligiran, na walang mapanganib na droga.

 

 

Kasama sa mga sakop na establishment ang mga KTV bar, night club, super club, spa, massage parlor, disco house, bar, restaurant at ang mga negosyong may lima o higit pang manggagawa.

 

 

“We will continue to exert all efforts to keep both residents and workers in Navotas safe from the menace of illegal drugs” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

Sa ilalim ng ordinansa, dapat pataasin ng mga business establishment ang kamalayan at edukasyon ng kanilang mga empleyado at kliyente tungkol sa mga epekto ng ilegal na droga.

 

 

Dapat ding hilingin ng mga may-ari ng negosyo at employer ang kanilang mga opisyal at empleyado na sumailalim sa random na drug testing at tiyaking walang mga ipinagbabawal na gamot ang dinadala o ginagamit sa kanilang workplace.

 

 

Sasagutin naman ng employer ang mga gastos para sa drug testing at confirmatory test.

 

 

Kung magpositibo ang isang empleyado, ire-refer sila ng establisyemento sa isang center accredited ng Kagawaran ng Kalusugan para sa pagsusuri. Dapat din itong magsumite ng listahan ng mga pangalan ng mga tauhan, na nagpositibo, sa Navotas City Anti-Drug Abuse Council (NADAC).

 

 

Kasama rin sa programa sa pag-iwas at pagkontrol sa droga ng establisimiyento ang paggamot at rehabilitasyon, gayundin ang tulong at pagpapayo para sa mga empleyadong may emosyonal na pagkabalisa.

 

 

Samantala, dapat pangasiwaan ng NADAC ang kinakailangang interbensyon at mga programa sa rehabilitasyon para sa mga napatunayang positibo sa paggamit ng ilegal na droga.

 

 

Makikipag-ugnayan din ito sa Navotas City Police at sa City Business Permits and Licensing Office (CBPLO) para sa mga operasyon ng interbensyon at pagpapataw ng mga parusa.

 

 

Sa unang paglabag, papatawan ng multang P5,000 at suspensiyon ng  business operation habang nakabinbin ang pagsunod. Ang patuloy na hindi pagsunod ay babawian ng kanilang business permit. (Richard Mesa)

Other News
  • Torralba nakipagbuno na sa ilang manlalaro ng NBA

    MATINDING kompetisyon na rin ang natikman ni Joshua Torralba sa United States  of America kung saan naging trainer siya para sa Rio Grande Valley Vipers team na kumakampanya sa National Basketball Associatin (NBA) G League.     Ipinahayag kamakalawa ng 26-anyos, may taas na 6-2 swingman, na naranasan na niyang makaharap sa hardcourt ang ilang […]

  • Welga ng PISTON at MANIBELA tuloy

    NATULOY kahapon, Lunes April 15 ang  welga ng grupo sa trans-portasyon na Piston at Manibela upang iprotesta ang nalalapit na deadline ngayon April 30 ng consolidation ng prangkisa ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.       Ayon ay President Ferdinand Marcos, Jr. at […]

  • P10-M, inisyal na pinsala sa agri sa Bicol- DRRM ng DA

    PUMALO na sa P10 milyong halaga ng inisyal na pinsala sa agrikultura sa Bicol region ang naitala ng Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center dahil sa Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami).     “Based on the initial assessment of the DA Regional Field Office in Bicol Region, damage and […]