“DRUG QUEEN” TIMBOG SA P13 MILYON SHABU SA MALABON
- Published on November 23, 2021
- by @peoplesbalita
MAHIGIT P13 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa 23-anyos na bebot na binansagan ng mga pulis bilang “drug queen” matapos matimbog sa buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Sa report ni Malabon police chief Col. Albert Barot kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo Jr., ang pagkakaaresto kay Herssie Ogoy ng Fatima Street Tulay 14, Brgy. Daang Hari, Navotas City ay nagmula sa impormasyon na ibinunyag ni Alejandro Blancaflor, 46, na unang naaresto ng mga pulis, kasama ng dalawa pa sa buy bust operation sa Don Basilio Blvd. Brgy. Dampalit dakong alas-6:20 ng Biyernes ng gabi.
Nang isailalim siya sa custodial debriefing, sinabi ni Blancaflor kay P/Lt. Alexander Dela Cruz, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nagmula sa isang alyas Herssie ang ilegal na droga na kanilang ibinenta sa isang police poseur-buyer, kasama ng 19 grams ng shabu na nakuha sa kanila na naging dahilan upang magsagawa ang mga operatiba ng panibagong buy-bust operation.
Nagawa ni P/Cpl. Paulo Laurenz Rivera na umaktong poseur-buyer, kasama si P/Cpl Ferdinand Danzal na nagsilbi bilang back-up na makipagtransaksyon ng P50,000 halaga ng shabu kay Ogoy sa Dalagang Bukid St. Brgy. Longos dakong alas-11 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Narekober sa suspek ang dalawang malaking chinese tea bag at isang knot tied transparent plastic bag na naglalaman ng humigi’t kumulang sa 2 kilos at 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P13,940,000, buy bust money na limang pirasong tunay na P1,000 bills at 45 pirasong boodle money, pulang eco bag at cellphone. (Richard Mesa)
-
Higit P200M na malilikom, ipatatayo ng dialysis centers: SAM, pina-auction ang ten luxury cars sa kanyang charity event
HANGGANG saan ba ang kaya ng isang tao na mag-give up ng mga mahalagang bagay na pag-aari niya para lamang makatulong sa kapwa? Well, pinatunayan ni Sam Verzosa na gaano man kahalaga sa kanya ang mga luxury cars niya ay kayang idispatsa ang mga ito kung mapupunta naman sa mga nangangailangan ang kanyang pagbebentahan. […]
-
Bentahan ng alcohol sa supermarkets, limitado sa 2 bote kada kostumer – DTI
NILIMITAHAN na simula kahapon (Miyerkoles) sa 2 bote kada kostumer ang bentahan ng alcohol sa mga supermarket kasunod ng paglakas ng pagbili sa produkto bunsod ng dumaraming kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa. Napagkasunduan ang limitadong bentahan sa pulong ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturer ng alcohol at may-ari […]
-
EUA application na isinumite ng Bharat Biotech, di pa rin aprubado ng FDA
DAHIL sa kakulangan ng requirements kaya’t hindi pa rin nakapagpapalabas ng resulta ang Philippine Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa EUA application ng Bharat Biotech Vaccine na mula sa India. Sa Laging Handa briefing sinabi ni FDA Usec. Eric Domingo, na noon pang Enero 2021 nakapagsumite ng aplikasyon ang Bharat Biotech pero may […]