• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Drug suspect kalaboso sa P174K shabu sa Caloocan

KALABOSO ang isang hinihinalang drug personality matapos makuhanan ng mahigit P174K halaga ng droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa kahabaan ng Carnation St., Brgy., 174, Camarin nang maispatan nila ang dalawang lalaki na nag-uusap dakong alas-11:55 ng gabi.

 

 

Kalaunan, nakita ng mga pulis ang isang lalaki na may iniabot na may iniabot na isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu sa kanyang kausap kaya nilapitan nila ang mga ito.

 

 

Gayunman, nang mapansin ng mga suspek ang kanilang presensya ay tumakbo ang mga ito kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner at maaresto ang isa sa kanila.

 

 

Nang kapkapan, nakuha sa suspek na si alyas “Dogong” ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 25.7 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P174,760 habang nakatakas naman ang nag-abot sa kanya ng droga.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Pinas, kailangan na lumipat mula COVID 19 economy sa paggawa ng structural changes-PBBM

    NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na ngayong taon ng  2023 ang taon talaga para sa structural changes.     Tinanong kasi ang Pangulo sa kung paano niya ilalarawan ang kasalukuyang taon, nasa Tokyo, Japan ang Pangulo para sa Asean-Japan Summit.     Ang pagbisita sa Japan ang pang-17 biyahe ng Punong Ehekutibo ngayong taon, […]

  • SHARON OSBOURNE, nag-apologize na sa ‘racist remark’ pero posible pa ring matsugi sa talk show

    INAAKUSAHAN ang The Talk host na si Sharon Osbourne ng pagiging isang racist.     Ito ang naging issue ng naturang talk show na kasalukuyang in hiatus dahil inaalam pa kung ang kahihinatnan ng mga reklamo laban kay Osbourne.     Nagsimula ang lahat nang kampihan ni Osbourne si Piers Morgan na nagsabing nagsisinungaling si […]

  • BRAVEST MEN, HANAP NG VALENZUELA LGU

    NANANAWAGAN ang Pamahalaang Lokal ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor Rex Gatchalian sa mga matitikas at pinakamatatapang na lalaki sa lungsod na makilahok sa laban kontra COVID-19 bilang rescue personnel.     “Calling Valenzuela City’s bravest men! Join the COVID-19 battle as part of the City’s Rescue Team!” ani Mayor Rex.     Dapat aniya […]