DSWD: 3.2M nakakuha na ng 2nd tranche ng SAP
- Published on July 20, 2020
- by @peoplesbalita
Tinatayang natanggap na ng 3.2 milyong benepisyaryo ang second tranche ng social amelioration program o SAP, batay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“As of July 16, the DSWD has disbursed the emergency subsidy for 3.2 million beneficiaries with an equivalent amount of P19.4 billion,” ani DSWD Undersecretary Danilo Pamonag.
“This is an additional 1.8 million beneficiaries from the 1.3 million we reported to this Congress last week,” paliwanag pa nito.
Target aniyang makumpleto ang distribusyon sa katapusan ng Hulyo.
Samantala, iginiit din ng opisyal na posible itong mapalawig hanggang Agosto dahil pa rin sa delay sa pamamahagi ng pondo. (Daris Jose)
-
Golovkin dismayado sa hindi natuloy na laban nito sa Japan
Ipinagpaliban ang nakatakdang world title fight sa Japan ni Gennady Golovkin laban kay Ryota Murata. Ito ay matapos na ipinagbawal ng Japan ang pagpasok ng mga dayuhan dahil sa banta ng Omicron coronavirus. Gaganapin sana ang laban ni Golovkin laban kay Japanese WBA super-titlist Murata sa Disyembre 29 sa Saitama, Tokyo. […]
-
Kaligtasan ng pasahero, rider ¬titiyakin sa motorcycle taxis law
SISIGURUHIN umano na ligtas ang mga rider at mga pasahero bukod sa mananatiling mababa ang bilang ng mga naaksidente kapag nagkaroon ng batas na gagawing legal at magkokontrol sa motorcycle taxis sa bansa. Sa naunang pagdinig ng Senate Committees on Public Services and Local, tumutok ang diskusyon sa training, skills at kaalaman ng […]
-
PDU30, duda na nage-expire ang face shield
DUDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na napapaso o nae-expire ang face shields. Ito’y sa kabila ng naging paliwanag ng Department of Health (DOH) na ang medical-grade face shields ay mayroong “specific shelf life.” Nauna rito, araw ng Biyernes sa Senate hearing ay napag-alaman na pinapalitan di umano ng Pharmally Pharmaceutical Corp. ang […]