• June 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Olympic meeting sa Beijing kinansela dahil sa banta ng covid-19

Kinansela ang gagawing sports conference ng mga Olympic stakeholder sa Beijing dahil sa coronavirus outbreak.

 

Dahil dito ang nasabing pagpupulong na gaganapin mula Abril 19 hanggang 24 ay gagawin na lamang sa Lausssane, Switzerland.

 

Magpapalitan kasi ng mga idea ang mga iba’t ibang sports governing bodies tatlong buwan bago ang gaganaping Tokyo Olympics.

 

Magugunitang tiniyak ng Tokyo Olympics organizers, International Olympic Committee at World Health Organization (WHO) na hindi na kaliangan pa ang pagpaliban ng Olympics na gaganapin sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

Other News
  • SYLVIA, wagi na naman ng Best Actress sa ‘Star Awards for TV’ dahil sa mahusay na pagganap sa ‘Pamilya Ko’

    WAGI na naman si Sylvia Sanchez dahil sila ni JM de Guzman ang top winners sa katatapos lang na PMPC’s Star Awards for TV.     Tinanghal na Best Drama Actor si JM at Best Drama Actress si Sylvia dahil sa napakahusay nilang pagganap sa Pamilya Ko na nag-uwi naman ng Best Primetime TV Series.   […]

  • Ex-CamSur Rep. Rolando Andaya patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang kwarto

    PATAY na nang matagpuan si dating Camarines Sur 4th District Representative Rolando “Nonoy” Andaya Jr., 53, residente ng Saint Jude Orchard, Concepcion Grande, Naga City.     Ito rin mismo ang kinumpirmang mga anak ng biktima sa pamamagitan ng Facebook post.     Gayunman hindi binanggit ng mga ito kung ano ang ikinamatay ng ama. […]

  • SEAL OF GOOD EDUCATION GOVERNANCE MULING NAKAMIT NG NAVOTAS

    Nasungkit muli ng Navotas ang Seal of Good Education Governance (SGEG) mula sa Synergeia Foundation para sa pangatlong magkakasunod na taon.     Natanggap ng lungsod ang recognition sa ginanap na 14th National Educational Summit.     Dalawang local government units lang sa National Capital Region ang nabigyan ng ganung karangalan.     Pinasalamatan ni Mayor […]