• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD, binigyang-linaw ang pagkakaiba ng 4Ps at Food Stamp Program

NILINAW  ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magkaiba ang bagong programa na WALANG GUTOM 2027: Food Stamp Program (FSP) sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

 

 

Paliwanag ni DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay, ang food stamp program ay binuo upang matugunan ang kagutuman, lalo na sa mga mahihirap na pamilya sa buong bansa.

 

 

 

Ipinapatupad ito sa pamamagitan ng ibat ibang intervention, katulad ng pagbibigay ng food stamp, at tulong pinansyal.

 

 

 

Habang ang 4Ps ay binuo ng pamahalaan upang matulungan ang mga mahihirap na pamilya na mapag-aral ang kanilang mga anak, at mawakasan ang intergenerational poverty.

 

 

Ito ay nakapokus, ayon kay Used Punay, sa edukasyon ng mga bata.

 

 

Ginawa ng opisyal ang paglilinaw upang bigyang diin ang pagkakaiba ng mga target na mabenepisyuhan sa ilalim ng dalawang programa na ipinapatupad ng kagawaran.

Other News
  • 5,754 karagdagang contact tracers idedeploy sa Metro Manila-DILG

    Nakatakdang mag-deploy ang pamahalaan ng 5,754 na karagdagan pang contact tracers sa Metro Manila kasunod na rin ng surge ng COVID-19 cases sa rehiyon.     Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, lumagda na sila ng kasunduan, kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Metro Manila […]

  • PETISYON PARA PALAWIGIN ANG VOTERS REGISTRATION, IHAHAIN

    MAGHAHAIN ng petisyon ang iba’t ibang grupo  ngayong umaga  sa tanggapan ng Commission on Elections(Comelec) upang hilingin na palawigin ang voter registration para sa May 2022 national at local election.   Ilan lamang sa mga grupo na nagpahayag ng kanilang paghahain ng petisyon ay ang Defend Jobs Philippines, Akbayan Youth, First Time Voters Network at […]

  • Rodriguez: Tigilan na ang panggugulo

    UMAPELA  ang chief of staff at spokesman ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na si Atty. Vic Rodriguez sa mga petitioner ng disqualification case na tigilan na ang kanilang walang humpay na panggugulo at pagpupunla ng galit at pagkakawatak-watak na siyang lalong magpapagulo ng sitwasyon sa halip na makausad na ang bansa patungo sa […]