• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD dumulog sa NBI para imbestigahan ang pang-hahack sa kanilang social media accounts; 4.3-M pamilya natulungan ng 4P’s

DUMULOG na sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pamunuan ng Deparment of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay sa nanyaring pang hahack sa kanilang social media accounts.
Magugunita na dinagsa ang DSWD ng mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP).
Ayon kay DSWD officer-in-charge Undersecretary Eduardo Punay na wala pa silang aplikasyon sa nasabing programa at wala pang pamamahagi ng assistance ukol dito.
Sa ngayon patuloy nang inaayos ng DSWD ang kanilang social media accounts.
Dahil dito, muli namang pinaalalahanan ni Punay sa benepisyaryo ng DSWD na makipag-ugnayan muna sa kanilang tanggapan bago maniwala sa mga kumakalat na balita sa online para sa kanilang mga payouts.
Samantala, nasa 4.3 milyong pamilya ang natulungan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong 2022.
Ayon kay Punay, ang mga nakakatanggap ng tulong noong 2022 ay 98.3% ng kanilang target.
Dagdag pa ni Punay, nasa P100 bilyon ang budget na inilaan para sa 4Ps.
Samantala, 4.4 milyong indibidwal naman ang natulungan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program, higit na mataas kaysa sa 1.2 milyong target ng DSWD. (Daris Jose)
Other News
  • 7 sasakyan karambola sa NLEX

    Nagkabanggaan ang pitong sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX) nitong Linggo ng hapon. Nangyari ang banggaan sa Southbound lane patungong Metro Manila sa Mexico, Pampangan section ng NLEX.   Ayon kay NLEX traffic manager Robin Ignacio, nangyari umano ang karambola matapos na prumeno ang isang motorista dahilan para magkabangaan ang nakasunod dito.   Isang bus […]

  • BINATI ni Mayor John Rey Tiangco

    BINATI ni Mayor John Rey Tiangco ang nasa 40 drug surrenderees na nagkaroon ng pagkakataong magbagong buhay sa pamamagitan ng community-based drug rehabilitation program ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, ang BIDAHAN. Ang mga kalahok sa BIDAHAN ay sumasailalim sa serye ng counselling sessions sa loob ng anim na buwan, at random drug testing para masiguro […]

  • Kahit matagal na siyang freelancer actress: JUDY ANN, ipapaalam pa rin sa ABS sakaling magkaroon ng offer ang GMA

    MARAHIL ay marami ang hindi nakakaalam na freelancer bilang artist si Judy Ann Santos. Yes, mula pa noong 2019, habang ginagawa niya ang ‘Starla” sa ABS-CBN ay wala ng kontrata si Judy Ann kahit saan. Kaya naman perfect timing para kay Judy Ann ang pagiging freelancer niya kaya napipili niya ang mga proyektong gusto niyang […]