• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD, inilatag na ang pangunahing criteria para alisin ang pamilya mula sa listahan ng 4Ps

INILATAG na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang “major criteria” sa pag-alis ng mga pamilya mula sa listahan ng  4Ps beneficiaries.

 

 

Una  na rito ay ang non-compliance sa mga kundisyon na itinakda ng  conditional cash transfer program (CCT).

 

 

Ang 4Ps ay mayroong apat na mga pangunahing kundisyon para sa mga pamilya.

 

 

Una na rito, ang babaeng nagdadalang-tao o buntis ay dapat na mag-avail ng pre- at post-natal care, at dapat na may isang propesyonal na mag-aasikaso sa kanila sa panahon ng kanilang panganganak.

 

 

Pangalawa, ang mga magulang o guardians ay kailangan na dumalo sa family development sessions na kadalasan ay idinaraos isang beses isang buwan, may paksa na gaya ng  “responsible parenting, kalusugan at nutrisyon.”

 

 

Pangatlo, ang mga sanggol at mga kabataan na may edad na hanggang limang taon ay dapat na makatanggap ng regular health check-ups at bakuna.

 

 

Pang-apat, ang mga kabataan na may edad na  6-14  ay dapat na makatanggap ng deworming pills.

 

 

Ang mga kabataan na may edad nan 3-18 ay dapat na mag-enroll sa eskuwelahan, panatilihin ang attendance sa 85% ng  class days  kada buwan.

 

 

Ang kawalan ng kakayahan na tumugon sa kahit na anumang kundisyon ay nangangahulugan na dapat nang alisin sa listahan ng programa.

 

 

Ang pangalawang  criteria ay kapag ang pamilya ay nakamit na ang financial independence.

 

 

Sa kabilang dako, marami naman ang pumalag sa bagong hakbang na ito ng DSWD.

 

 

Ang apela ng mga ito ay panatilihin ang kanilang mga pangalan sa programa dahil nananatili pa rin silang low-income earners.

 

 

Samantala, sinabi naman ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na mangangailangan siya ng 3 hanggang 4 na linggo para linisin ang listahan.

 

 

Binalaan din nito ang mga “uncooperative beneficiaries” na maaari rin silang maalis sa programa. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Duterte Legacy?’: Utang ng Pilipinas record-breaking sa halos P13 trilyon

    SUMIRIT sa panibagong all-time high ang outstanding debt ng pamahalaan matapos itong maitala sa P12.76 trilyon sa pagtatapos ng Abril 2022 — bagay na naapektuhan ng paghina ng piso kontra dolyar.     Ibinalita ito ng Bureau of Treasury, Huwebes, ilang linggo matapos maiulat na katumbas na ng 63.5% ng ekonomiya ang utang ng Pilipinas. […]

  • RAP PARA LAMANG SA BAGONG BOTANTE

    LIMITADO lamang para sa mga bagong botante at transfer of registration registrants  ang inilunsad  na “register anywhere project” (RAP) ng  Commission on Elections (Comelec).     Sa  Comelec Resolution No. 10869, sinabi ng  Commission en banc na ang mga aplikasyon na ito ang  tatanggapin sa RAP booths sa limang malls sa Metro Manila.     […]

  • HORROR HIT “INSIDIOUS: THE RED DOOR” TO HOLD MORE MIDNIGHT SCREENINGS THIS WEEKEND

    WHEN is the most terrifyingly good time to watch a horror movie? At midnight… in an empty mall… with friends! Due to popular demand, Insidious: The Red Door will hold midnight screenings this weekend, July 15 and 16, on even more screens than on the film’s opening day and opening weekend. As more and more […]