• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RAP PARA LAMANG SA BAGONG BOTANTE

LIMITADO lamang para sa mga bagong botante at transfer of registration registrants  ang inilunsad  na “register anywhere project” (RAP) ng  Commission on Elections (Comelec).

 

 

Sa  Comelec Resolution No. 10869, sinabi ng  Commission en banc na ang mga aplikasyon na ito ang  tatanggapin sa RAP booths sa limang malls sa Metro Manila.

 

 

“The Commission shall initially implement the RAP by conducting pilot testing, where only applications for New Registration and Transfer from Another City/District/Municipality shall be accepted,”

 

 

Sa ilalim ng proyekto, maari nang magparehistro ang mga kwalipikadong aplikante na naninirahan sa bansa sa pamamagitan ng pagsusumite ng kanilang application form, documentary requirements at ang kanilang biometrics ay kunin on-site.

 

 

Pagkatapos nito, ang mga isinumiteng dokumento at nakuhang biometrics data ay inendorso at ipapadala sa Opisina ng Election Officer ng distrito/lungsod/munisipyo na may hurisdiksyon sa tirahan ng aplikante.

 

 

Isasagawa ang pilot test ng RAP  tuwing Sabado at Linggo mula  Dec. 17, 2022 to Jan. 22, 2023.

 

 

Ang mga natukoy na mga venue ay sa SM Fairview in Quezon City, SM Mall of Asia in Pasay City, SM South Mall sa Las Piñas City, Robinsons Place sa Manila at Robinsons Galleria sa Quezon City.

 

 

Walang  registration sa  Dec. 24, 25, at  31, 2022, at Jan. 1, 2023.

 

 

Bumuo ang poll body ng limang RAP teams sa National Capital Region (NCR).

 

 

“Each RAP team shall be designated as a remote reception point of all OEOs (Offices of Election Officer),” ayon sa  Comelec .

 

 

Binubuo ng dalawang personnel ang bawat team na tanggapin at magproseso ng aplikasyon at interview sa aplikante; isa bilang Acting Election. officer, na awtorisadong pangasiwaan ang oath of applications on-site.

 

 

Ayon pa sa Comelec, magkakaroon din sila ng hindi bababa sa limang Voter Registration Machine (VRM) operator; isang laptop operator para sa National List of Registered Voter (NLRV); dalawang tauhan na namamahala sa crowd management at hindi bababa sa isang tauhan ng Comelec Organic Security Force. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Nagbibiro na si Luis ng baby number 2: JESSY, inaming nabibilisan sila sa paglaki ni Baby ROSIE

    NANGANAK noong December 28, 2022 si Jessy Mendiola sa unang anak nila ni Luis Manzano na si Isabella Rose.     Ano na ang mga “kakulitan” ni Baby Rosie o Peanut?     “Naku ayaw na niyang magpababa ngayon! Ayaw na niya, tapos tumitili na siya, pag pinapaliguan namin siya, pag pinapalitan ko siya ng […]

  • Ace & Batman Meet in New ‘DC League of Super-Pets’ Trailer Kevin Hart’s ‘Ace’ the Hound meets the ‘Batman’, voiced by Keanu Reeves

    BATMAN works alone, or does he?     Find out in the new trailer of Warner Bros. Pictures’ DC League of Super-Pets which has just been launched by the studio.     Dwayne Johnson stars as the voice of Krypto the Super-Dog in Warner Bros. Pictures’ animated action adventure feature film DC League of Super-Pets, from director […]

  • PDu30, kursunadang bumili ng vaccine kontra Covid-19 sa Russia at China

    KURSUNADA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumili ng vaccine kontra  Covid-19  mula sa Russia at China.   Subalit, kailangan lamang ani Pangulong Duterte na ang vaccine na magmumula sa Russia at China ay “equally good and effective” gaya ng  ibang   vaccine  na inimbento ng ibang bansa.   “We cannot be complacent. I said by […]