• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD, magbibigay ng cash-for-work sa mga residenteng apektado ng oil spill

NAKAHANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng cash-for-work assistance sa mga residenteng apektado ng  oil spill dahil sa lumubog na motor tanker MT Princess Empress sa bayan ng Naujan sa lalawigan ng Oriental Mindoro noong Pebrero 28, 2023.

 

 

Sinabi ni DSWD Scretary Rex Gatchalian na nakipag-ugnayan na ang departamento sa local government units (LGUs) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), pinuno ng inter-agency tasked para sa programang ito.

 

 

Ani Gatchalian, ang mga lugar na bibigyan ng pansamantalang paraan ng hanapbuhay ay ang mga bayan ng Bansud, Bongabong, Bulalacao, Gloria, Naujan, Pinamalayan, Pola at Roxas sa Oriental Mindoro; Caluya sa Antique; at Agutaya sa Palawan.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ng Kalihim na maliban sa Oriental Mindoro, nakatanggap din siya ng ulat na kumakalat na ang oil spill sa lalawigan ng  Antique at Palawan at ang mga residente sa mga nasabig lugar ay mangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.

 

 

“So, these two areas (Antique and Palawan), we are now working hard on making sure na may makakain iyong mga nakatira doon, whether its food packs or emergency cash transfers,” ani Gatchalian.

 

 

Bukod naman sa cash-for-work,  plano rin ni Gatchalian na magpatupad ng panibagong programa sa uri ng Emergency Cash Transfer (ECT) program para sa mga apektadong residente.

 

 

“Naging agreement namin ng DENR at noong local government nila, ng provincial government, at instruction din ng ating Pangulo is to make sure na yung mga locals natin mga fisherfolk na affected ay maging bahagi ng solusyon,” ayon kay Gatchalian.

 

 

Samantala, sa kasalukuyan, nakapagbigay na ang DSWD ng P3.1 milyong halaga ng food assistance sa mga apektadong  lokalidad sa Oriental Mindoro at Antique.

 

 

Patuloy namang makikipag-ugnayan ang DSWD sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan at lokalidad upang matiyak na maayos na maibibigay ang mga pangangailangan ng mga residenteng apektado ng oil spill. (Daris Jose)

Other News
  • Panukalang trials ng face-to-face classes, tinanggihan ni PDu30

    TINANGGIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukalang trials ng face-to-face classes.   “Nagdesisyon na ang Presidente ha: wala pa rin po tayong face-to-face classes sa bansa,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Sinabi ni Sec. Roque na sinabi sa kanya ng Pangulo nang magkausap sila kagabi na ayaw nitong malagay sa panganib ang […]

  • Angelina Jolie, Reveals the Reason Why She Signed on for MCU’s Upcoming Movie ‘Eternals’

    ANGELINA Jolie reveals why she said yes to Marvel’s Eternals.     The next MCU movie after Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings, Eternals shifts the focus away from the better known Marvel superheroes and instead introduces a new, eponymous group of superpowered individuals based on Jack Kirby obscure comic book team. The movie navigates the adventures of the titular, immortal […]

  • Ilang UV Expess balik kalsada

    Balik kalsada ang may 980 units na UV Express sa kanilang operasyon sa Metro Manila at karatig na mga probinsya noong Lunes matapos ang tatlong buwang pagkahinto ng kanilang operasyon.   Mayroon 47 routes ang binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB )mula sa Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal papuntang Metro Manila.   […]