• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang trials ng face-to-face classes, tinanggihan ni PDu30

TINANGGIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukalang trials ng face-to-face classes.

 

“Nagdesisyon na ang Presidente ha: wala pa rin po tayong face-to-face classes sa bansa,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Sinabi ni Sec. Roque na sinabi sa kanya ng Pangulo nang magkausap sila kagabi na ayaw nitong malagay sa panganib ang buhay ng mga estudyante at mga guro lalo pa’t hindi pa nagsisimula ang vaccination drive ng pamahalaan.

 

“Sabi niya, may awa ang Panginoon, baka naman po pagkatapos nating malunsad ang ating vaccination program ay pupuwede na tayong mag-face-to-face (classes) sa Agosto lalong-lalo na sa mga lugar na mababa ang COVID cases,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Noong nakaraang Disyembre ay inaprubaan ng Chief Executive ang pilot implementation ng face-to-face classes na magsisimula sana nitong Enero 2021 sa mga eskuwelahan na nasa lugar na low-risk para sa COVID-19.

 

Iyon nga lamang ay ilang araw lamang ang nakalipas ay binawi niya ang pahayag niyang ito dahil sa bansa ng bagong variant ng Covid -19 sa United Kingdom at napaulat na ito ay mas nakahahawa.

 

Dahil dito, ipinagbawal ni Pangulong Duterte ang face-to-face classes dahil na rin sa kawalan pa ng bakuna laban sa COVID-19.

 

Ang Basic Education classes ay magpapatuloy naman sa Oktubre sa ilalim ng blended learning. (Daris Jose)

Other News
  • ALBERT, balik-GMA na ngayon na dati niyang tahanan after ten years

    AFTER ten years, bumabalik ngayon si Albert Martinez sa dati niyang tahanan, ang GMA Network.      Isang GMA Afternoon Prime series ang pagbibidahan niya, titled Las Hermanas, at last Tuesday, February 23, ginanap na ang zoom meeting niya with the creative and production teams ng series, headed by Creative Director Aloy Adlawan.     […]

  • Social amelioration programs ng DSWD pinapa-excempt sa spending ban sa halalan

    ITINUTULAK ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda na gawing exempted ang lahat ng emergency financial assistance programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa spending ban dahil sa eleksyon.     Sa kanyang liham kay DSWD Sec. Rolando Bautista, hiniling ni Salceda na i-petition nito sa Comelec na gawing […]

  • AFP PUSPUSAN ANG GINAGAWANG DISASTER RELIEF OPS AT DAMAGE ASSESSMENT

    PUSPUSAN ngayon ang isinasagawang search, rescue and retrieval and clearing operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lugar na lubhang sinalanta ng Bagyong Rolly.   Ongoing na rin ngayon ang isinasagawang relief distribution ng militar kasama ang DSWD.   Ayon kay AFP Chief of staff Gen. Gilbert Gapay, nakatutok ang lahat mga […]