• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD, may sapat na pondo para sa calamity assistance hanggang matapos ang 2022

MAY sapat na pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)  para suportahan ang  calamity-stricken areas hanggang matapos ang taong 2022.

 

 

“As of today mayroon tayong available pa na mahigit P1.4 billion na pondo for stockpiles at standby funds ng ahensya at mahigit P450 million dito ay available standby funds para dito sa ating central office at field offices,” ayon kay DSWD Undersecretary Eduardo Punay sa isang  public briefing.

 

 

“So handa po tayo at meron po tayong pondo hanggang sa katapusan po ng taon para rumesponde sa pangangailangan ng ating mga kababayan na maapektuhan po ng mga bagyo at ng mga kalamidad,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, sinabi ni Punay na nagsimula na ang  DSWD na mamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng  magnitude 6.4 earthquake sa Abra, araw ng Martes.

 

 

Sa Dingras, Ilocos Norte,  sinabi ni Punay  na nagbigay ang DSWD  ng financial assistance sa ilalim ng  Assistance to Individuals in Crisis Situation program sa 8 pamilya kung saan ang mga bahay ay nawasak ng malakas na paglindol.

 

 

Nagbigay naman ang DSWD  ng P5,000  halaga ng  financial aid sa 7 katao sa Abra  na nasaktan noong mangyari ang lindol.

 

 

May  kabuuang 236 family food packs na nagkakahalaga ng  P160,000 ang ipinamahagai sa mga naapektuhan sa  Abra, at modular tents para sa mga ito.

 

 

“As of Thursday” tinuran ni Punay na may P198,000 halaga ng  humanitarian assistance ang naibigay sa mga earthquake victims.

 

 

“As of 6 a.m., 22 families or 76 individuals were in three evacuation centers in Region 1 and in the Cordillera Administrative Region,” ayon kay Punay.

 

 

Aniya, nakapagtala  sila ng 183 pamilya o 403 indibidwal na na-displaced  dahil sa lindol. (Daris Jose)

Other News
  • Task force, bineberipika ang ulat ng nawawalang mga mangingisdang Pinoy sa WPS

    IBEBERIPIKA pa munang mabuti ni National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) chairperson Hermogenes Esperon Jr. ang inihayag ni presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson na may ilang mangingisdang Filipino ang sinasabing nawala sa karagatan.     “Mag-verify lang ako kasi wala syang sinasabing dates,” ayon kay Esperon, isang National Security Adviser, sa […]

  • 41% ng mga Pinoy ang sumusuporta sa impeachment ni VP Sara HINDI ikinasorpresa ng ilang mambabatas ang lumabas na survey na sumusuporta sa impechment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte.

    Reaksyon ito nina House Assistant Majority Leader ayt Zambales Rep. Jay Khonghun at Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V sa pinakabagong  Social Weather Stations (SWS) survey na 41% ng mga Pinoy ang sumusuporta sa impeachment. Ayon sa mga mambabatas, inilalarawan lamang umano ng survey ang public outrage sa umano’y mismanagement ng […]

  • MGA BARANGAY, SK AT IBA PA, HINIHIKAYAT NA LUMAHOK SA KAUNA-UNAHANG QUEZON CITY GREEN AWARDS

    NANANAWAGAN ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga barangay, Sanguniang Kabataan, Youth-Based Organization at mga negosyo na lumahok sa kauna-unahang Quezon City Green Awards at ipamalas ang kanilang best practices para sa disaster resiliency and sustainability.     Layunin ng Quezon City Green Awards na kilalanin at bigyan ng insentibo ang grupong may […]