• April 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD, nagbukas ng e-payment bilang alternative mode para tumanggap ng cash donation

TUMATANGGAP na ngayon ang  Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng payments at donasyon sa pamamagitan ng  LANDBANK Link.BizPortal, isang  e-payment facility na pinapayagan ang mga kliyente at partners ng DSWD na makapag- transact ng  business at/o bayaran ang kanilang  monetary obligations via online mode.

 

 

Sinabi ni DSWD Secretary Erwin T. Tulfo na ang  e-payment ay alinsunod sa  Executive Order No. 170 ukol sa “adoption of digital payments for government disbursements and collections, Republic Act 11032 or the Ease of Doing Business and Efficient Service Delivery Act of 2018, and the Anti-Red Tape Authority Memorandum Circular No. 2020-06.”

 

 

Ang mga prospective clients at partners ay maaaring gamitin ang  e-payment link para mag- transfer  ng monetary donations at/o kaya naman ay magbayad ng licensing, registration, at accreditation ng Social Welfare and Development Agencies (SWDAs), magbayad sa  Social Welfare and Development Center for Asia and Pacific dormitory at training fees, at magbayad ng  fees para sa  travel clearance ng mga  minors o menor de edad.

 

 

Ang online payment facility ay maaaring i- accessed sa Landbank official website o DSWD official website na matatagpuan sa  sidebar area o sa pamamagitan ng  direct link https://www.lbp-eservices.com/egps/portal/index.jsp.

 

 

Gayunpaman, isang minimal transaction fee na nag-range mula sa  P15 hanggang P30 kada trabsaksyon ang itsa-charged ng Landbank mula sa kliyente gamit ang mga sumusunod na payment options gaya ng:

 

— Landbank ATM/Visa Debit Cards;

— BancNet-Member Bank ATM/Debit Cards;

— Globe G-Cash accounts;

— Other e-money issuers gaya ngMaya, Shopee Pay and Grab Pay;

— Cash Payment via Over-the-Counter sa  7-Eleven, Cebuana, Palawan, Bayad Center, Western Union, SM, Robinsons, ECPay, Bayad Express, BDO. .

 

 

Sa kasalukuyan, ang online payment system ay available lamang sa field offices (FOs) sa National Capital Region, Mimaropa, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region at Soccsksargen bilang alternative collection systems.

 

 

Samantala ang natitirang DSWD FOs ay” already enrolled and awaiting the processing of the Landbank head office for approval.”

 

 

“The DSWD will look into more partnerships prioritizing digital transformation toward an inclusive financial system for its client and beneficiaries,” ayon sa ulat.  (Daris Jose)

Other News
  • MOTORSIKLO SUMALPOK SA KOTSE, RIDER TODAS

    NASAWI ang isang rider matapos dumulas at sumemplang ang minamanehong motorsiklo saka sumalpok sa isang papalikong kotse sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Juanito Angala, 44-anyos, may-asawa at residente ng Blumentrit Extension, […]

  • Mga sibilyang pinatay ng Russian forces sa Bucha sa Ukraine, nasa mahigit 300 na – Bucha mayor

    TINATAYANG  nasa mahigit 300 na ang bilang ng mga sibilyang pinatay ng mga sundalo ng Russia sa Bucha sa Ukraine.     Sa isang pahayag ay sinabi ni Bucha Mayor Anatoly Fedoruk, na personal niyang nasaksihan ang walang habas na pagpatay sa maraming mga sibilyan na kabilang sa 320 nasawi sa kanilang lungsod.     […]

  • ‘3 weeks na voter registration extension, aprubado na ng Comelec’

    Aprubado na raw ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapalawig pa ng voter registration matapos hilingin ng dalawang kapulungan ng Kongreso maging ng ilan nating kababayan na nais magparehistro.     Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, ang extension ng voter registration ay isasagawa sa Oktubre 9 hanggang Oktubre 31.     Ang voter registration […]