DSWD, nagpaabot ng P26.9-M tulong sa mga flood-hit families sa Mindanao
- Published on February 7, 2023
- by @peoplesbalita
NAGPAABOT ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit sa P26.9 milyong halaga ng humanitarian aid sa mga pamilya na naapektuhan ng malakas na ulan at pagbaha bunsod ng “shear line at tuloy-tuloy na low-pressure area (LPA) sa ilang bahagi ng Mindanao.
Sinabi ni DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications at spokesperson Romel Lopez na ang food at non-food items ay naipamahagi na sa mga apektadong pamilya sa Davao at Caraga region.
“Following the instruction of President (Ferdinand) Marcos (Jr.) to Secretary Rex Gatchalian, the agency has been in constant coordination with the local government units to ensure that the needs of the affected population will be immediately addressed,” ayon kay Lopez.
Ani Lopez, may mahigit na 41,100 family food packs (FFPs) ang naipamahagi sa mga apektadong pamilya sa mga lalawigan ng Davao de Oro, Davao del Norte, Davao Oriental, Davao Occidental, Agusan del Sur at Davao City.
“Sleeping kits and modular tents were also provided for the affected families in Compostela town, Davao de Oro,” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, nakipagpulong naman si Gatchalian sa mga lokal na opisyal ng Davao Oriental noong nakaraang Sabado bago pa pangasiwaan ang distribusyon sa bayan ng Governor Genoroso.
Personal na ininspeksyon din ni Gatchalian ang itinalagang evacuation sites sa mga bayan ng Manay, Caraga at Governor Genoroso.
Matapos bisitahin ang mga apektadong lugar, tiniyak ni Gatchalian na kagyat na pabibilisin ng departamento ang pagpapalabas ng financial assistance para sa matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
“The DSWD continues to deliver relief items to the affected local government units (LGUs) of Lupon and Governor Generoso towns in Davao Oriental through the help of the Philippine Navy and Air Force,” ayon kay Lopez.
“Secretary Gatchalian extends his gratitude to these government agencies for providing us with logistical support to move our department’s food packs to areas that have been cut off from the road networks,” dagdag na wika nito.
“As of Feb. 5, the DSWD recorded a total of 309,090 affected families or over 1 million individuals from different localities in Davao, Soccsksargen and Caraga regions,” aniya pa rin.
Samantala, sinabi ni Lopez na 108,275 pamilya o 410,771 katao ang na-displaced at kasalukuyang nanunuluyan sa shelter na itinalaga bilang evacuation centers o sa bahay ng kanilang mga kamag-anak o kaibigan. (Daris Jose)
-
Fall in love once more as Renée Zellweger returns for one last chapter in “Bridget Jones: Mad About the Boy”
FOLLOW Bridget Jones in another comedic and heartfelt chapter to her story, Bridget Jones: Mad About the Boy. Renée Zellweger reprises her role as romantic-comedy icon Bridget Jones, who tries to rekindle the spark in her life after the death of her husband Mark Darcy, played by Colin Firth. Now a single mother to two children, […]
-
COVID-19 death toll sa Phl, halos 11K na: DOH
Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng panibagong 1,590 mula sa nakalipas na taon. Sa ngayon, mayroong 6.2% o katumbas na 32,775 ang aktibong kaso sa Pilipinas, nasa 91.8% (487,927) na ang gumaling, at 2.07% (10,977) ang namatay. Mayroon kasing panibagong naitalang 249 na gumaling at 55 naman ang mga […]
-
Reyna at Konsorte ng 5oth Grand Santacruzan sa Libid, Binangonan, Rizal, ipinakilala sa press
Reyna at Konsorte ng 5oth Grand Santacruzan sa Libid, Binangonan, Rizal, ipinakilala sa press TAONG 2019, nang magsimula ang patimpalak ng Reyna at Konsorte ng Santacruzan, isang makulay at bagong ideya na nagmula sa tagapamahala ng Brgy. Libid Grand Santacruzan mula pa noong 1975 sa pamumuno ni Mr. Gomer Celestial. Bakit nga ba Reyna at […]