• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD, nagpadala ng tulong sa mga flood victims sa Visayas, Mindanao

IKINASA na ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang relief operations sa mga lugar sa  Visayas at Mindanao na apektado ng pagbaha.

 

 

Sinabi ng Malakanyang na ang  relief operations ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 

 

Sa katunayan, sinimulan na ng DSWD field offices sa Eastern Visayas at Northern Mindanao ang pamamahagi ng  family food packs sa flood-hit residents ng  Eastern Samar, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin at Bukidnon.

 

 

Sinabi ni Grace Subon, DSWD regional director sa Eastern Visayas, na may 32,458 indibiduwal ang apektado ng pagbaha sa anim na bayan sa Eastern Samar (Jipapad, Oras, Arteche, Mercedes, Taft at Giporlos) nito lamang holiday weekend.

 

 

Aniya pa, nakikipag-ugnayan sila sa municipal government para sa pamamahagi ng 45,000 food packs at P10 million na standby funds.

 

 

Inihayag naman ni Ramel Jamen, DSWD regional director sa  Northern Mindanao, na nagsimula na rin silang mamigay ng  food at non-food relief items sa 9,342 pamilya o 45,687 indibiduwal sa mga lalawigan sa  Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin at Bukidnon.

 

 

Sa mga apektado, sinabi ni Jamen na 9,256 pamilya  o  45,242 indibidwal ang nananatili sa  evacuation centers “as of 3 p.m. Sunday.”

 

 

Habang mahigit lamang sa 12,000 family food packs ang available sa kanilang field office, kaagad naman aniyang nag-request ng karagdagan mula sa kalapit na regional offices.

 

 

Ani Jamen, ang kanilang tanggapan ay mayroong P7.3 million na standby funds para sa  relief operations.

 

 

Maliban sa family food packs at non-food relief items gaya ng  modular tents, medical kits at hygiene kits, naghanda rin ang  DSWD ng cash sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations program.

 

 

Samantala, wala namang na-monitor ang Pag-asa ng kahit na anumang tropical cyclone o low pressure area subalit  “a shear line is causing moderate to heavy to at times intense rainfall in Eastern Visayas, Surigao del Norte and Dinagat Islands; and moderate to heavy rains over Southern Palawan, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao and the rest of Caraga and the Visayas.” (Daris Jose)

Other News
  • MAS MARAMING Pinoy, magsusuot pa rin ng face masks sa kabila ng optional na pagsusuot sa outdoors

    Mas marami pa rin umanong bilang ng mga Pinoy ang magsusuot ng face masks sa kabila ng direktiba ng pamahalan na optional na lamang ang pagsusuot nito.     Ayon kay OCTA Research fellow Ranjit Rye, base sa raw sa kanilang isinagawang survey, lumalabas na 28 percent daw sa mga respondent ang nagsabing patuloy pa […]

  • 250,000 RESIDENTE NG MAYNILA, NAKATANGGAP NG FOOD BOXES

    NAKATANGGAP na ng food boxes na bahagi ng COVID-19 Food Security Program ng pamahalaang lungsod ang mahigit sa 250,000 na residente ng Maynila.       Napag-alaman na ang mga residente sa Distrito 1 at 2 sa Tondo ang unang nagbenipisyaryo ng nasabing programa kung saan nasa kabuuang 250,054 food boxes na ang naipamahagi na nagsimula […]

  • Publiko, binalaan ng DOH vs imported mpox vaccines

    PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa isang uri ng imported mpox vaccine na sinasabing available na sa bansa.     Sa inilabas na health advisory kahapon, sinabi ng DOH na nakarating sa kanilang kaalaman na may organisasyon o mga indibidwal ang nag-aalok ng naturang imported mpox vaccines.     Kaugnay nito, […]