DSWD, puspusan ang pamamahagi ng FFPs at iba pang kits sa mga apektado ng Bagyong Carina
- Published on July 26, 2024
- by @peoplesbalita
WALANG patid ang pagpapaabot ng tulong at pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development ng Family Food Packs at iba’t ibang kits sa mga kababayan nating apektado ng pananalasa ng Bagyong Carina.
Ilan sa kanilang hinatiran ay ang mga bayan ng Odiongan at San Andres sa Romblon, at sa mga pamilya na pansamantalang nananatili sa isang paaralan sa Meycauayan City, Bulacan.
Habang nagbigay din sila ng sleeping kits, family kits, hygiene kits at bottled water sa pamilya sa may bayan ng Malhacan diyan pa rin sa Bulacan.
Ito ay bahagi ng patuloy na aksyon ng naturang ahensya sa kanilang sinumpaang gampanin at pagtugon sa mga relief augmentation request mula sa iba’t ibang LGU.
Kasalukyan naman daw na nakikipagnayan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan para naman sa validation at assessment sa mga pamilyang naapektuhan ng nasabing kalamidad. (Daris Jose)
-
Canvassing of votes ng Presidente, VP ikinasa ng Senado, Kamara
NAGPULONG na ang mga Senador at Kongresista sa isasagawang paghahanda para sa canvassing ng boto ng Presidente at Bise Presidente na gaganapin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso umpisa sa Martes, Mayo 24 hanggang 27. Sina House Secretary General Llandro Mendoza at mga opisyal ng Senado sa pangunguna ni Senate Secretary Atty. Myra Marie […]
-
Alegasyon vs Sen. De Lima, binawi ni Kerwin Espinosa
BINAWI ng umaming drug lord na si Kerwin Espinosa ang lahat ng alegasyon niya laban kay Senador Leila de Lima sa isinumite niyang ‘counter-affidavit’ sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes. Isinumite na ang counter-affidavit ni Espinosa sa DOJ kahapon, ayon sa abogadong si Ramund Palad. Sinabi ni Palad na saksi siya nang […]
-
Sabungan na may automated tayaan, sinalakay ng NBI
SINAMPAHAN na ng patung-patong na kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 10 opisyal ng isang sabungan sa Quezon City dahil sa paggamit ng digital system sa pagpapataya sa kanilang mga kustomer makaraang salakayin ito noong nakaraang Biyernes. Kabilang sa mga kasong isinampa ay ang paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal […]