• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DTI at mga attached agencies nito, nangakong mamadaliin ang pautang para sa mga small businesses

KAPWA nangako sina Labor Sec Silvestre Bello III ang Department of Trade & Industry at attached agency nitong small business corporation na ipa- fast track nila o pabibilisin ang pagproseso sa mga soft loans o pautang para sa mga micro and small business enterprises.

 

Ito ay bilang pambayad ng 13th month pay ng mga employers sa kanilang mga manggagawa ngayong Disyembre kahit pa isa ang kanilang negosyo sa matinding naapektuhan ng Covid 19 pandemic.

 

Sinabi ni Sec. Bello na bago mag Disyembre ay naipagkaloob na ang mga pautang nang sa ganon ay bago mag Dec. 24 ay maipamahagi na ito ng mga employers sa kanilang mga manggagawa alinsunod na rin sa itinatakda ng batas.

 

Nauna nang sinabi ng Kalihim na may nakalaan ng P4 bilyong pisong pondo ang DTI at small business corporation bilang soft loans o pautang sa mga micro and small business enterprises.

 

Aniya, handa rin ang Rural Bankers Association of the Philippines na magpautang sa mga maliliit na negosyo yan ay kung hindi mabibigyang subsidiya ng pamahalaan ang pondo para sa pagkakaloob ng 13th month pay ng mga manggagawa na nagttrabaho sa micro at small business enterprises.

Other News
  • THE LORD’S FLOCK – FREE LENTEN RECOLLECTION

      THE LORD’S FLOCK – FREE LENTEN RECOLLECTION As we face life’s challenges…in the midst of our busyness… we are invited to take an opportunity to reflect on the personal meaning of God’s love and passion in our lives. The Lord’s Flock invites everyone to a 3-Day Lenten Recollection. Holy Wednesday, April 5, 6:30-8:30pm ; […]

  • Gen. Parlade at Usec. Badoy, may ‘gag order’ sa community pantry issues – Esperon

    Kinumpirma ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na kaniya nang pinagsabihan sina Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. at Larrine Badoy, kapwa tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na huwag muna magbigay ng anumang pahayag o komento kaugnay sa mga isinasagawang community pantry initiatives.     Ayon kay Esperon, […]

  • Mass resignation sa AFP, namumuo?

    KUMAKALAT ngayon ang alingasngas sa umano’y mass resignation ng mga opisyal sa Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos tanggalin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nakaluklok na Chief of Staff at muling ibalik ang heneral na dati nang namaalam sa posisyon.     Ayon sa kumakalat na report, namumuo ang destabi­lisasyon matapos i-reappoint ni […]