DTI naglabas ng mga kautusan para sa mga energy consuming products
- Published on April 18, 2022
- by @peoplesbalita
NAGLABAS ang Department of Trade and Industry (DTI) ng isan department order na nagbibigay ng bagong technical regulation na nagrereseta sa mga mandatory product certification ng mga energy consuming products (ECPs) sa pamamagitan ng Bureau of Philippine Standards (BPS).
Sa isang statement ay sinabi ni DTI Consumer Protection Group (CPG) Undersecretary Ruth Castelo na layunin ng department administrative order 22-01, series of 2022 na tiyaking ligtas, dekalidad, at sumusunod sa mga itinakdang requirements ng Bureau of Philippine Standards (BPS) at Department of Energy (DoE) ang lahat ng energy consuming products na ginagamit ng mga kababayan nating consumers.
Sinuportahan aniya nito ang implimentasyon ng Republic Act No. 11285 o ang Energy Efficiency and Conservation Act na nagmamandato naman sa mga manufacturer , importer, at dealer na mag-comply sa minimum energy perform ance (MEP) standards.
Layunin din nito na ipakita ang energy label at efficiency label ng mga produkto sa packaging nito para magsilbing reference ng mga mamimili.
Kabilang sa mga produktong saklaw ng nasabing kautusan ay ang mga room air-conditioners (RACs), refrigerators, television sets. fluorescent lamps, at marami pang iba.
-
Pangarap ni Jerusalem natupad
Pinangarap ni world boxing champion Melvin Jerusalem na lumaban sa harap ng kanyang mga kababayan. At ngayong natupad na ito ay hindi sasayangin ng World Boxing Council (WBC) minimumweight king ang pagkakataon. “Kasi pangarap kong maka-depensa dito sa Pilipinas, kaya hindi ko na sasayangin ang pagkakataon,” sabi ni Jerusalem sa […]
-
JULIE ANNE, paghahandaan ang pagdating ng daring o sexy roles; magpapakilig muna sila ni DAVID
MAPAPANOOD na simula ngayong gabi, April 26, ang pagbabalik-acting ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose, sa Kapuso series na Heartful Cafe. Maraming excited na may bagong ka-love team si Julie Anne, si Kapuso hunk actor David Licauco. May isang eksena sa teaser ng show na naka-topless lang si […]
-
Tambay kulong sa hindi lisensyadong baril sa Navotas
TIMBOG ang 22-anyos na tambay na nag-iingat ng hindi lisensiyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang tirahan sa bisa ng search warrant sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Bago nadakip ang suspek na si alyas “Buboy”, nakatanggap na ng impormasyon ang mga tauhan ni Navotas City Police Chief P/Col. Mario Cortes hinggil […]