• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DTI naglabas ng revised SRP sa mga school supplies

INILABAS  ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bagong listahan ng price guide para sa mga school supplies.

 

 

Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na ni-revise niya ang “Suggested Retail Price” o SRP list para sa school supplies dahil hindi detalyado ang lumang listahan.

 

 

Ang listahan ay may mga tatak at mga detalye na.

 

 

Para sa mga notebook, kasama sa bagong gabay ang laki, number of leaves, kalidad ng papel, brand name, at kahit na mayroon silang generic o character na disenyo.

 

 

Ang impormasyong ito ay makakatulong sa mga magulang at mag-aaral na ihambing ang mga presyo sa mga tindahan.

 

 

Ngunit para sa Philippine Stationers Association, hindi na kailangang maglabas ng SRP sa mga school supplies, sabi ng pangulo nito na si Charles Sy.

 

 

Dagdag pa niya, sa pangkalahatan ay mababa ang presyo ng mga gamit sa paaralan.

 

 

Mahirap ding magtakda aniya ng presyo dahil may mga ordinaryong brand at premium ang ilang items.

Other News
  • PDu30, hindi naging pabaya sa pag-iimbestiga sa drug war killings

    Ang pagpapalabas ng impormasyon ng  52 kaso ng police anti-drug operations na nagresulta sa pagpatay sa mga  drug suspects  ay nagpapakita lamang na hindi naging pabaya si Pangulong Rodrigo Roa  Duterte sa kanyang obligasyon  na imbestigahan ang human rights violations sa panahon ng kanyang termino.     Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry […]

  • DOLE, mag-aalok ng 10-day cash-for work para sa mga indibidwal apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Taal

    MAG-AALOK ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng sampung araw na trabaho bilang tulong para sa libu-lubng indibidwal na apektado matapos ang pag-alburuto ng bulkan.     Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kikita ng P4,000 ang kada manggagawa para sa 10 araw na trabaho dahil ang minimum na sahod sa region 4 […]

  • Abueva balik-PBA na

    Ikinatuwa ng koponan ng Phoenix Pulse ang balitang inaprubahan na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagbabalik sa liga ng kontrobersyal na si Calvin Abueva. Ayon sa insider, nagtataka umano sila dahil biglang nagbago ang ihip ng hangin ni PBA Commissioner Willie Marcial na madalas sinasabi na kailangan pang maipasa ni Abueva ang isa pang […]