DTI, NAGSAGAWA NG INSPEKSYON SA MGA SUPERMARKET SA MAYNILA
- Published on July 12, 2022
- by @peoplesbalita
NAGSAGAWA ng inspeksyon ang Department of Trade and Industry o DTI sa ilang supermarket sa Maynila kaugnay sa mga produkto na maaaring magkaroon ng price adjustments.
Kasunod ito ng mga natatanggap na “request” ng DTI para sa “price adjustment” ng ibat’t ibang mga produkto
Sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo, na mayroon nang natanggap na hiling ang DTI ukol dito pero ginagawa pa raw ang review rito ng Consumer Protection and Advocacy Bureau.
Gayunman, dadaan pa aniya sa masusing pag-aaral at kung anuman ang maging rekomendasyon ay isusumite kay DTI Sec. Fred Pascual.
Kabilang sa may request para sa price adjustment ay de-latang sardinas, kape, instant noodles at iba pa.
Kasama rin sa hirit na price adjustment ang tinapay gaya ng pandesal na matagal na nilang hinihiling ang pprice adjustment dahil na rin sa taas ng halaga ng harina lalo’t imported ang wheat o trigo.
Bagama’t may mabigat na dahilan, sinabi ni Castelo na kailangan aniyang pag-aralan ng mabuti ang price adjustment at hintayin ang iba pang datos. (Gene Adsuara)
-
60% ng mga Pilipino, pabor sa Sim card registration – Social Weather Stations
LUMALABAS sa survey mula sa Social Weather Stations (SWS) na majority o 60% ng mga Pilipino ang pabor sa SIM Card Registration law. Mula sa survey ng SWS nasa 17% ng respondents naman ang tutol habang nasa 23% ang undecided. Sa 60%, 32% dito ang strongly approve habang nasa 29% naman […]
-
Ads March 14, 2022
-
Construction worker himas-rehas sa pangmomolestiya sa anak na dalagita
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 33-anyos na construction worker matapos ireklamo mismo ng kanyang kinakasama ng pangmomolestiya sa kanilang anak na dalagita sa Malabon City. Hindi na nakapalag ang manyakis na ama nang posasan siya nina Pat. Zenjo Del Rosario at Pat Marc Roldan Rodriguez, kapwa nakatalaga sa Malabon Police Sub-Station 5, […]